22

388 28 1
                                        

AILEE

Actually, hindi talaga ako makapaniwalang nandiyo si Sunoo. First time ko nga ata syang makita dito, eh.

"Ano yang libro na yan?" Tanong nya at tinuro ang binbasa ko kanina bago sya dumating.

"Libro?" Pamimilosopo ko at sinamaan nya naman ako ng tingin. "Goodbye ang title"

Binigay ko sa kanya ang libro at kinuha nya naman at tinignan nya.

"Tungkol saan 'to?" kunot noong tanong nya.

"Actually, tungkol yan sa isang babae na nagbakasyon kasama ang pamilya nya at doon nya naman nakilala yung lalakeng gusto nya."

"Ang lungkot nga,eh. Kasi yung lalake kinakamit nya yung pangarap nya on such a young age AND habang di pa sila official na nag dedebut, nakilala nya yung babae."

"Well, nagbakasyon yung babae for only one month. Meaning, isang buwan lang silang magkakasama. Nang dumating ang araw na babalik na sila sa Pilipinas, nag debut na yung lalake as an idol."

"That was the end, kaya i'm hoping na may part two yan." Turo ko sa librong hawak nya.

"Alam mo na pala yung kuwento, eh. Bakit mo pa binabasa ulit?" Tanong nya.

Bakit ko nga ba binabasa ulit?

"Wala lang. Nagandahan ako, eh. Okay?"

Napatingin naman sya sa isang libro na nasa kanan ko. "Ito naman ang Aussie."

"Time na."

Napatingin kami kay Mrs. Pangilinan na nakatingin samin.

"Hiramin mo na lang muna yan, Ms. Park. Mapagkakatiwalaan ka naman"

Nagpasalamat ako kay Mrs. Pangilinan at nagpaalam na kami ni Sunoo.

"Terror yon diba?" Tanong nya paglabas namin.

"Sabi nila pero sa tingin ko hindi naman, eh." Ang sabi ko "Syempre katuwang din sya ni Sir Ladi sa pagdiscipline sa mga studyante dito."

Ang dami kayang nag-aaral dito sa I-Land University. Hindi naman kakayanin ni Sir Ladi na dumisiplina ng mag-isa sa mga studyante, eh.

Isa rin kayang nakakatakot si Sir Ladi.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now