28

359 22 1
                                    

AILEE

Naglalakad ako papuntang locker ko. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan na bakit sa second floor, third floor at fourth floor may locker. Samantalang sa First floor ay wala.

Pagbukas ko ng bag ko ay saktong nakita ko naman yung librong hiniram ko kahapon sa library. Muntikan ko ng makalimutan.

Inilagay ko ang mga pang umaga na mga gamit ko sa loob ng locker at inilagay naman sa loob ng locker ko ang pang hapon.

Habang naglalakad ako pabalik ng classroom ay nakita ko si Lana, ang kapatid ni Lena.

She saw me pero agad naman syang umiwas. Sinubukan ko syang tawagin pero nilagpasan nya lang ako.

"Uy, Ailee!"

Muntikan na akong madapa dahil sa bag na nakaharang dito sa daanan. Bakit ba may mga bag dito?

"Bakit yon?" Tanong ko kay Sunoo. Sakto rin naman lumabas sila Heesung.

"Tara Jollibee!" Aya ni Geonu at naunang naglakad. Napakunot-noo naman ako at sumunod na lang sakanila.

"May balak na naman kayong sakupin yung buong room doon sa Jollibee?" Tanong ko.

Sa naaalala ko. Nakita ko sa post nila sa instagram na kumain sila sa Jollibee at occupied nila ang isang room.

"Mas marami, mas masaya" ang sabi naman ni K.

No comment na lang ako. Halata naman kasi na masaya sila.

"Ailee? Yung kuya mo?" Napakunot-noo naman ako sa sinabi ni Jake.

"Ano meron dun sa kolokoy na yon?" Taas-kilay kong tanong.

"Wala." Jake.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now