AILEE
"Nasaan sina Sunoo?" Tanong ko nang makarating kami sa loob ng beach. Kaming tatlo lang nina Sunghoon at Lena ang nandito.
Sabi namin sa entrance kami magkikita-kita pero ilang minuto na ang nakalipas wala pa rin sila.
Kaya nauna na kaming pumasok, nilagay muna namin sa cottage yung mga gamit at nagbihis na kami ni Lena.
Isa-isa na rin dumating yung iba naming mga kaklase at nagpalit na rin ng damit.
Habang wala pa sila nagpalit muna kami ng damit ni Lena para makaligo sa dagat.
Paglabas namin ng CR ay nakita namin si Sunghoon na nag iihaw ng barbeque.
"Dapat ang birthday boy ay nakaupo lang o kaya nilulublob sa dagat?" ang natatawang sabi ko.
"Mas gugustuhin ko pa ata na maupo na lang kesa malublob sa dagat," sabi nya.
Hinila ko si Lena malapit sa dagat at naupo sa buhangin. Malinis tignan ang dagat ganon na rin yung buhangin.
Hindi naman masyadong mainit dahil hapon na kami pumunta dito. Maya-maya habang nilalaro namin yung buhangin may narinig kaming sumisigaw.
"Hoy! Mga bata!"
Hinanap namin ni Lena yung boses na yun at nakita namin sina Sunoo na nakasakay sa bangka?
BANGKA???
Apat na bangka ang ginamit nila dahil tig-aanim lang ang pwede sa bangka na sinasakyan nila.
May gana pa na mag bangka ang mga 'to?
"Muntikan na akong mahulog don ha," nakasimangot na sabi ni Jimin.
"Sayang nga, eh kasi muntikan lang," ang sabi naman ni K.
"Gago ka hyung!" Jimin.
"Hey! Na sa public!" sita ko.
Napatingin naman ako sa bangka kung nasaan nandon sina Jake at Jay.
"Sila yung nagbayad?" Tanong ni Lena. Napatingin naman ako kina Sunoo.
"Oo. Sila yung nag insist na magbangka kaya sila yung pinagbayad namin." Sunoo.
Sayang hindi nagyaya.
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"