SUNOO
"Hindi naman sya matagal 'no?" Tanong ni Jay hyung.
Hindi ko na lang sya sasagutin baka bigla akong hindi makapagpigil na kurutin sya sa pisngi nya dahil nanggigigil ako.
"I'm sorry, i'm late."
Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Sabay kaming lahat na napatanga nang makita namin si Ailee.
Ang ganda nya. Bumabagay ang suot nyang denim skirt at pink oversized tshirt sakanya. Nakabanda rin sya ng color pink, her long wavy hair.
Bakit nga ba ngayon ko lang napansin yung buhok nya? Napailing na lang ako.
"Ayos lang yun hindi ka naman masyadong late, eh," sabi ko.
"Tologo bo?" Bulong sakin ni Jaeho hyung pero di ko na lang sya pinansin.
Habang nasa loob kami ng timezone napansin ko naman si Ailee na malungkot?
"Okay ka lang?" Tanong ko sakanya at tumango lang naman sya.
"I was just thinking what will happen after we graduate," ang sabi nya naman at pumilit ngumiti.
Graduate? Isang buwan na lang pala at graduate na kami ng highschool.
"Maniwala ka lang sa sarili mo. Go with the flow ka lang,"
Sinubukan kong i-cheer up si Ailee at nangyari naman.
Naglaro sya sa basketball arcade at grabe ang bilis nyang mag shoot ng bola!
"Ano pa ba ang hindi kayang gawin ng babaeng 'to?" Ang tanong ko sa sarili ko.
"Ang mahalin ka,"
Gulat naman akong napatingin sa likod ko. Si Taeyong.
"Wala na, finish na naman," ang sabi ko at ngumuso.
"Gusto mo sya 'no?" Tanong nya sakin at kunot-noo naman akong tumingin sakanya.
"Gusto mo rin sya 'no?" Pabalik kong tanong.
"Tanga, hindi. Hindi naman kita aagawan 'no."
Dapat lang. Wait, ha? Gusto ko sya?
"Kung gusto ko sya edi gusto ko sya pero hindi ko sya mahal," ang sabi ko.
"Sus, dun din papunta yun pag huli na ang lahat." Saka sya bumalik kina Kyungmin.
![](https://img.wattpad.com/cover/233086047-288-k613070.jpg)
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"