AILEE
Habang nakaupo ako dito sa swing na nasa park, napansing ko lang na wala ng halos na pumupunta dito.
Hindi na ako magtataka kung isang araw ay wala na yung mga swing dito. Hindi na rin masyadong naaalagaan dahil ang hahaba na ng mga damo.
Pero bakit ako nandito? Siguro dahil tahimik? Napakibit-balikat na lang ako.
"You're here."
Napatingin ako sa taong nasa harapan ko at tumango lang ako. Umupo sya sa kabilang swing at tumingin lang sa kawalan.
"Bakit pumayag ka?" ako na ang unang bumasag sa katahimikan dahil nakakahiya naman.
"Because my dad wants to." Napatingin ako kay Jungwon. Sa nakikita ko sakanya ay ayaw nya. Ayaw ko rin naman, eh.
Sino ba naman kasi yung gugustuhing matali sa isa't isa kahit ayaw naman?
"Ikaw? Bakit ka pumayag?" Ang tanong nya sakin. Napahinga na lang ako ng malalim.
"Because that is the last thing that I will listen to my mom,"
For them, wala na silang pakialam kahit anak pa nila ang pag-usapan. Business is business.
"Kahit na ang makakasama mo habang buhay ay hindi mo naman mahal?" Tanong nya.
Siguro nga ayos lang sakin pero marami pa ang oras. Maraming pwedeng mangyari samin.
"Bakit ba natin 'to pinag-uusapan? Matagal pa naman bago mangyari yon, Jungwon. Marami ka pang makikilala, malay mo bigla kang hindi na lang pumayag sa gusto nila dahil nakilala mo na ang babaeng mamahalin mo ng tunay."
"Bakit ikaw? Nakilala mo na ba yung sayo?" Tanong nya at natawa na lang ako.
It kinda looks like....
![](https://img.wattpad.com/cover/233086047-288-k613070.jpg)
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"