SUNOO
Maraming mga araw ang nakalipas ay palagi ko ng nakakausap si Ailee. Magpasalamat na ba ako kay Sir Fernandez na pinagawa kami ng activity?
Nagkakausap kami madalas na hindi katulad lang dati pero hanggang dun lang yon kung ano yung alam ko sa kanya, yun pa rin yon.
"Ailee!" Tawag ko sa kanya at kunot-noo naman syang napatingin sakin. "Gala tayo bukas!"
Nakita ko rin naman na napatingin sakin sina Heesung hyung. "Syempre kasama sina Heeseung hyung!
"Ha? Agad-agad?" Di makapaniwalang tanong ni Heesung hyung. Napatigil tuloy sya sa paglalaro ng imaginary basketball nya.
Ewan ko ba, bigla-bigla na lang ako nag-aya pero ayos lang naman 'yon, ah. Kasi walang pasok bukas.
Dapat pag walang pasok, dapat mag diwang.
"I'll think about it." Ailee.
Napangiti na lang ako.
"Anong meron? Bakit agad-agad?" Tanong sakin ni Hanbin hyung nang bumalik ako sa upuan ko.
"Tinamaan na sya, boy," ang sabi naman ni Seon hyung at umupo sa harapan ko.
"Naninipa ako," ang sabi ko at sinamaan sila ng tingin.
"Nagka-activity lang tinamaan na?" Nang-aasar na sabi ni Jake hyung.
"Say thank you to sir Fernandez." Nicholas hyung.
Dumadami na sila. Ano ba sila? Epidemya? May cure ba dito?
Hindi naman ako tinamaan, eh. At kung tinamaan ako dapat na sa hospital na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/233086047-288-k613070.jpg)
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"