AILEE
Papunta ako sa library ngayon. Recess time naman, eh at pwedeng lumabas ng classroom.
I like to read books at gusto ko yung na sa tahimik na lugar ako pag nagbabasa.
Pagpasok ko ng library ay bumungad agad sakin si Mrs. Pangilinan. Nakakaintimidate ang aura ni Mrs. Pangilinan kaya nadalas talaga ang may natatakot sa kanya.
Kahit ako rin naman, eh. Sobra nya kasing napakahigpit. Sa sobrang napakahigpit wala ng nagtatangkang pumunta dito sa library.
Naglalakas loob na nga lang ako, eh.
"Buti na lang ay may isang studyanteng katulad mo, Ms. Park."
Na naglalakas loob.
No one would dare to go here. Kahit pwedeng magpaprint don, hay nako! Mas pipiliin pa nilang pumunta sa computer shop kahit malate sila.
Ngumiti na lang ako kay Mrs. Pangilinan at nag log-in sa logbook nya.
Sobrang linis ng papel.
Ang gusto ko dito ay yung mga librong babasahin. Not the educational book one. Kundi yung mga gusto talaga ng mga book lovers.
Kinuha ko sa pinakataas na row ng bookshelf yung dalawang librong tinago ko. As of now, itong dalawang hawak ko ang gusto ko munang basahin kahit nabasa ko naman na.
Naghanap ako ng table na malapit lang kay Mrs. Pangilinan at naupo doon. Takot naman ako kahit papaano lalo na at sobrang tahimik.
Habang nagbabasa ako ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng library pero di ko na pinansin yon. Nagfocus lang ako sa pagbabasa.
This book is really nice. I hope na may part two ba ito.
"Sabi na nga ba at dito lang kita makikita, eh."
Dahan-dahan akong napatingin sa nagsalita.
"Sunoo?"
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"
