27

356 23 1
                                    

AILEE

Pagdating ko sa gate ng school namin ay dumeretso muna agad ako sa canteen para bumili ng tubig.

Pagdating na pagdating ko sa canteen ay sakto naman na nakita ko si Jungwon.

Kahit ayaw ko pumila na lang ako kung nasaan sya. Hindi naman dapat ganito, eh. Hindi talaga!

Pagtapos makabili ni Jungwon ay napatingin naman sya sakin kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"Ate, bottled water po,"

"Nandyan na yung bride mo, Sunoo hyung!"

Agad na bungad sakin ni Daniel pag bukas ko ng pinto. Ano na naman trip neto? Lakas ng tama.

"Wow! May kasal?" Tinignan naman ako ni Heesung ng nakakaloko.

"Magsitigil nga kayo!" Inis na sabi ni Sunoo.

Umupo ako sa upuan ko at pinapanood silang inaasar si Sunoo. Imposible naman na ikwento nya yung kahapon sa kanila, diba?

"Buti na lang sinundan ko kayo," malakas na sabi ni Daniel at tuwang-tuwa pa. Kaya naman pala.

"Ano ka? Aso?" Tanong ni Sunoo at umiling-iling naman si Daniel.

"Stalker nyo at number one supporter!" Pinakita nya pa yung sinulat nyang number one sa papel nya.

"Daniel! Kulang na lang na may magsuntukan dito tapos ikaw yung taga round one round two!" Sabi ni Niki at tumawa.

"Uwian na! Uwian na!" Sigaw ni Daniel at umaktong aalis ng classroom.

"Hoy! Yung bag mo naiwan mo!" Sigaw ni Geonu sa kanya.

"Hindi nyo talaga ako susuyuin?" Daniel pouted.

Napa 'o' na lang ako dahil si Daniel? Nag gaganon? Wow.

"Ano yan?" Tanong ko nang may nilagay sa Sunoo sa table ko.

"Pagkain."

"Kulang na lang ata na tumira ako sainyo, ah." Binuksan ko yung paper bag.

"Kung pwede nga lang, eh"

"Ano?" Kunot-noong tanong ko. Umiling lang sya at nginitian ako.

He is cute. Lalo na pag ngumingiti sya baka mga kahit na sinong bad mood kaya nyang pangitiin, eh. Sa simplemg ngiti nya.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now