AILEE
"Ailee!"
Agad akong napalingon sa tumawag sakin paglabas ko ng venue at si Sunghoon 'yon.
"Bakit?" taas-kilay kong tanong sa kanya paglapit ko.
"Pwede ba kahit isang araw lang wag mo kong taasan ng kilay o sungitan?" tanong nya sakin.
May binigay sya sakin na box at kinuha ko yun. Napatingin ako doon at sa kanya
"Hindi bomba yan," biro nya.
"Sige, pagbibigyan kita. Isang araw lang ha?" Pinakita ko sa kanya ang isa kong daliri.
"Kahit 1 year na lang," he patted my head.
"Halika na, naghihintay sina daddy" sabi nya at hinila ako pero napahinto naman ako kaya napatingin sya sakin.
"Sina Sunoo"
"Wag kang mag-alala, makikita mo pa naman sila at ako ang bahala sa outing." Nginitian nya ako.
Habang papunta kami sa restaurant kung saan sila nagpareserve.
Binuksan ko ang phone ko at pinalitan yung wallpaper ko. Napangiti na lang ako.
Park Sunghoon: saw that
Sunghoon texted me kahit nasa tabi ko lang sya.
"It's a secret," mahinang sabi ko sakanya at nag thumbs up lang sya.
Nang makarating kami sa restaurant ay nakasunod kami kina mommy.
May babaeng sumalubong samin ni mommy at inassist kami sa table namin. Ang pinagtataka ko lang ay bakit may tatlong upuan pa.
And I guess alam ko na kung bakit.
"We're not late, right?" ang tanong ni tita, ang mommy ni Jungwon.
"Kakarating pa lang namin," nakangiting sabi ni mommy.
Nang dumating ang pagkain namin ay kumain na lang ako. Wala naman akong interes sa pinag-uusapan nila katulad ni Jungwon.
Future future, tsk.
"Maawa ka naman sa steak mo, Ailee. Baka lumipat yan," bulong sakin ni Sunghoon.
"Sana nga lumipad," bulong ko.
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"