53

317 16 0
                                    

SUNOO

"Pag nasipa ang gwapo kong mukha sinasabi ko sainyo ha," bulong ni Daniel.

Hindi na namin kasama si Ailee dahil daw matutulog na sya at yaw daw nyang sumali sa kalokohan namin.

"Wag ka maingay pag nagising si Jay hyung. Itatali kita ng patiwarik sa punong pinagtaguan natin," Kyungmin.

"Ikaw din, wag ka rin maingay," ang sabi ko kay Kyungmin.

Buti na lang at puti ang kumot dito. Pwede na 'to. Pinagitnaan nina Kyungmin at Daniel si Jay hyung habang suot nila yung kumot at may flashlight na hawak.

Mabuti na lang ay pinadala sakin ni mama yung baby powder dahil mukha daw akong baby. Baby ni Ailee, joke!

Nagamit pa namin.

Nasa paahan naman ako ni Jay hyung at nakatayo. Read na ready na sa pananakot. Ngayon pa lang natatawa na ako paano pa kaya sa reaksyon ni hyung mamaya.

Nakita naming gumalaw si hyung kaya hinanda na namin ang background music namin na nakakatakot.

Nakaharap sya kay Kyungmin na pigil na pigil ang tawa. Ewan ko na lang baka biglang masuntok sya ni Jay hyung.

"Jay bangon na," sabi ni Kyungmin. Papasa na 'to sa horror booth.

"Bangon na," Daniel.

"Putangina!" Napabalikwas ng bangon si Jay hyung at hindi pa ako nakikita.

"Hi!" Sabi ko nang makita nya ako at biglang bumagsak si Jay hyung sa kama.

"Nakatulog ulit pre" Daniel.

"Mamaya ulit" Kyungmin.

"Basta ako mauuna ng magtatago baka bigla akong suntukin" ang sabi ko.

Nagising nga, nakatulog naman ulit. Paano ako makakatulog neto?

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now