99

314 15 3
                                    

AILEE

"Musta?"

Tanong ko kay Sunoo. Naglalakad lang kami papunta sa kung saan kami dadalhin ng mga paa namin.

"Wow! Parang di tayo palaging magkasama, ah!" Ang sabi nya at umaktong di makapaniwala.

Natawa na lang ako sa sinabi nya. Sa katagalan ay bumalik na kami sa bahay nina Jay.

"Oh? Ano na nangyari may label na ba?" Agad na bungad ni Daniel kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Excited ka?" Agad na tanong naman ni Sunghoon kay Daniel.

Naupo ako sa tabi ni Sunoo at kumuha ng cupcake saka binigay sakanya. Napangiti na lang ako nung naalala ko yung kasama ko sya at bumili kami ng cupcake dati.

"Mas excited pa sa nanliligaw!" Daniel.

Ah! Kung may nakalimutan ako yun yon. Nanliligaw si Sunoo at masaya naman ako. Kami.

"Ikaw Jungwon? Musta kayo nung nililigawan mo?" Tanong ko sakanya at napayuko naman sya saka lumabas yung dimples nya. Kinilig ang loko.

"Wala namang away 'no?" tanong ko ulit sakanya at umiling sya. Balita ko kasi na maatittude yung nililigawan neto eh.

until the end | k. sunoo (COMPLETED)Where stories live. Discover now