AILEE
"May calculator ka?"
Tanong ni Sunoo. Napailing na lang ako at kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko.
"May calculator yan. Sige, punta lang ako ng C.R." Ang sabi ko at lumabas ng classroom.
Pagdating ko ng C.R ay saka ko lang naalala yung wallpaper ko. Yung wallpaper ko! Tangina!
Dali-dali akong tumakbo papunta sa classroom namin at nakita ko naman si Sunoo na tahimik na nagsasagot.
Nakita kaya nya? Imposible naman na hindi nya nakita kasi ginamit nya nga yung calculator sa phone ko diba.
"Ang ganda ng kantang 'to noh," malakas na sabi ni Kyungmin.
"Ako'y kinikilig pag ika'y lumalapit ako'y nanginginig at nadarama ang puso na pumipintig"
Yung kanta ni Maja Salvador na Kiliga ba yun? Anong meron sakanya?
"Oo nga, eh. Kinikilig din ako!" Sabi ni Daniel at umakto naman syang kinikilig.
"Asim kilig!" Sabay na sabi nina Jake.
"Sunoo hyung! Sipag natin, ah" natatawang sabi ni Taki.
"Manahimik nga kayo!" Sunoo.
Mukha na ata syang naiinis. Natatawa na lang ako. Lumapit ako sakanya at kinuha yung phone ko.
"Masyado ka atang focus dyan?" ang sabi ko pero di nya ko pinansin.
"Wooo! Kinikilig talaga ako!" Kyungmin.
Napailing na lang ako.
YOU ARE READING
until the end | k. sunoo (COMPLETED)
Fanfiction"I'm always here for you...until the end"