Noon pa man, uso naman na talaga ang online selling. Dito kadalasan kumukuha ng extra income ang mga magulang. Sideline work kumbaga. Lalo lang itong lumago nang dahil sa ipinatupad na community quarantine. Mahigi kalahati ng working population ang nawalan ng trabaho kaya sinubukan nila ang swerte nila sa pagbebenta.
Warning lang, ha? Mag-ingat sa pag-order online. Maging mapagmatiyag at alerto sa scammers at bogus.
Pero alam niyo? Minsan, dapat mo rin ingatan ang puso mo. Sa sobrang invested mo sa business, pati 'yun maibigay mo na. Walang gano'n, Mars! Kapag suki, suki lang! 'Pag bentahan, bentahan.
Walang barter ng feelings.
#TropangScammers
#TropangMarupok
#SNPI
/ / / /
ITO NA! Kilala niyo na agad 'to 😂 Shouotut po sa mga tropa kong cute at todo suporta sa akin. Aylabyuol ♥
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...