#48
September 22, 2020
Lon Valdez
Text Message
Today 7:06 pmLon, ano 'tong listahan na nandito?
Ay, boss! Bilin ni Ms. Anjer. Para kung makakadaan lang daw kasi baka kulangin daw 'yung gagamitin niya. Di naman niya pinipilit.
Ito lang?
Meron pa boss. Pero di pang-bake.
Ano? Ako na mag-pick up bukas. Ako magbibigay.
Boss?
Day off mo bukas.
Boss???????????
Sige na, ano pa pinabibili?
'Yung cream na pang-rashes ng baby saka diaper.
Ano brand?
Tatanungin ko pa lang boss, e.
Ako na lang. Wag mo na problemahin
/ / / /
Messenger
Anjerica Martin
8:09 PM
Isle:
Anong brand ng cream?
Seen
Anjerica:
HA?
Isle:
'Yung pang-rashes ng anak mo. Saka diaper.
Anjerica:
Kuys Lon? Hiniram mo messenger ng boss mo?
Isle:
No, Ms. Martin. This is me.
Anjerica:
Anong no? Mr. Yu? Bakit?
Isle:
Off ni Lon bukas. I'll pick up the orders. Hindi ka pwede sa 24, right?
Anjerica:
Ah, oo.
Day off pala siya. Sabi kasi ni Joe siya daw ang pupunta dito.
'Wag na lang, Mr Yu. Ako na lang bibili bukas.
Isle:
Ako na. Wala ka nang oras niyan bukas.
Seen
Isle:
Ms. Martin
Seen
Isle:
Ms. Anjerica
Seen
Anjerica:
Teka lang! Hindi ba 'to prank?
This is actually scary, Mr. Yu.
Isle:
What? Bakit?!
Anjerica:
You're... nice. 🤔
You're not you when you're nice.
Isle:
I'll pretend you didn't say that.
Give me the details. Ako na bibili. I'll be there by 6am
Anjerica:
AGA MO? ANO KA? OKAY KA LANG?
Isle:
Anong oras ba dapat? I assume you'll start on it early.
Anjerica:
23 pa lang bukas, Mr. Yu. 24th pa kailangan. I'll prepare it tomorrow night.
Isle:
Use the oven in Isle's
Anjerica:
Mahahalata!!!! 🤦♀️
Isle:
I'll help
Anjerica:
Ang labo mo talaga, Mr. Yu.
Talk to me once you're sober.
Isle:
I am not drunk nor currently drinking. I can still type correctly.
Anjerica:
Malay ko ba na sa sobrang perfect mo kahit na intoxicated ka, e, magaling ka mag-type.
Isle:
Goodness gracious! Ms. Anjerica, just give me what brand and I'll buy it.
Anjerica:
Luh demanding mo
Pero sige, mapilit ka.
Pampers, medium
Desitin, 'yung susunod sa maliit.
Salamat, ha?
DON'T DRINK AND DRIVE THO!
Night, Mr. Yu!
Isle:
👍
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...