#1
*Please check the dates*
/ / / /
March 31, 2020
Messenger
Merrick Sarmiento
JUN 29, 2019 AT 9:05 PM
Merrick:
Ano bang gusto mo na sabihin ko? Na babalik ako sa inyo, magpapalamig lang ako?
Ayoko na, Anjerica. Pagod na ako! Ni hindi mo nga napapansin na burned out na ako dahil puro sarili mo lang iniisip mo. Puro na lang trabaho at si Tristan.
Wag ka mag-alala, hindi kita i-block para kay Tristan. Bayad na rin ang renta sa condo hanggang February next year. May trabaho ka naman, malaki rin naman sweldo mo. Pero kung gusto niyo umalis, sige umalis kayo.
Seen
7:30 PM
Anjerica:
Natanggal ako sa trabaho.
Ibababa ko na ang sarili ko para makiusap. Kung pwede lang sana mabawi ko na ang napagkasunduan natin para sa binyag ng anak mo. Hindi ba't i-re-refund daw noong huli tayong nagkita?
Kailangan namin ng pangkain, Ric. Sana naman sumagot ka. Maawa ka sa anak mo.
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...