#11
April 26, 2020
Messenger
monay kulit
11:00 AM
You set the nickname for Mona Fuentes to monay kulit.
Mona:
Grabe ka makakulit sa akin, ha?
You love me, geeerl
Anjerica:
True on both statements, pero makulit ka talaga. Hindi ko alam paano mo napagawa sa akin 'to.
Mona:
Kasi gusto mo rin. May pumipigil lang sayo. Ako lang yung pusher, ikaw ang pushee
Ay ang pangit ng salitang pusher. HAHAHAHAHAAHHA!
Anjerica:
Hindi ko yata kaya, Mons.
I can't do it!Mona:
Ang tagal mo nang ginagawa 'yan. What's the difference?
Anjerica:
Paano kapag hindi naman pumatok?
Lugi. Sayang effort mo.Masasayang lahat.
Mona:
Ikaw mismo alam mo na walang nagsisimula na magaling o nag-boom kaagad na business.
Mag-bake ka lang diyan, akong bahala sa advertisement lol! Wala talaga akong alam pero bahala na
Si 703, bibili daw. Nakasabay ko sa elevator kahapon. Tapos ako naman ang cookie monster mo, ha? Handa akong saluhin yan.
Anjerica:
Siraulo! Puro ka matamis!
Mona:
Syado ka! Siyempre ginagawa ko ng mga tropa ko. Share-share kami ng jabetis.
Lalo na si kambal heheheh3hhheheh3h33
Anjerica:
Na-pressure lang siguro ako. I've been doing this as a hobby pero hindi para pagkakitaan
Mona:
SABI MO KAYA NAG-CULINARY SCHOOL KA?! E, di it's ur passion???
Anjerica:
Wala yon. Major fluke on my part. Hindi naman para sa akin.
Mona:
ANONG HINDI PARA SAYO?! NATIKMAN MO NA BA MGA LUTO MO?
Anjerica:
Hay nako, Mona! Charot ka. Pero uy, how do you even do it?
Mona:
Ang ano?
Anjerica:
Writing... as source of income. Your passion as something that feeds you
Mona:
Wala naman akong choice. Wala naman masyadong nag-hire ng hindi licensed. Alam mo naman nangyari bakit hindi ako nakapag-exam
Soooooooooo choosy pa ba me?
Anjerica:
You're strong, Mona
You amaze me most of the timeMona:
Aba! Ikaw pa talaga may ganang magsabi nyan sa akin.
Ikaw ang malakas. You've given birth! Binuhay at binubuhay si Tristan.
At higit sa lahat, natiis mong magkaanak sa ex mong si Merrick. That's your strongest suit for me. Gwapo lang siya ng slight pero wala namang ballz.
Alam mo, bakit di ka gumawa ng graham balls? A tribute to his missing ones.
Anjerica:
KAUMAY, MONA!!
Hindi pleasing to the eyes kung isusunod ko sa mismong ball niya. Sa tingin mo?
Mona:
MAS UMAY KA NAMAN! HINDI KO NAMAN SABIHIN IHULMA MO DOON
GAAAAAAAAAAD I CANT
DONT TALK TO ME
Anjerica:
You started it, monay
😂😂😂
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...