#53

523 26 20
                                    

#53

October 3, 2020

Messenger

Analisa Manalo

10:50 AM

Analisa:

Madam!

Anjerica:

Huy! Magtigil ka nga sa madam. Umay!

Analisa:

Sorry lol!

Anjerica:

Bakit?

Analisa:

May nangyari ba nu'ng birthday ni Ma'am Mona?

Anjerica:

Oo? Sinagot ni Mona si Herson?

Analisa:

Hendeeeee, madam! Kay boss.

Anjerica:

???

Nangyari sa boss mong masungit?

Analisa:

Oo??

'Wag ka maingay. I-chismis ko 'to. Kasi parang may kakaiba kay boss. Na-stress na kami kasi bakit ang chill niya?!?!?!?!?!?!!!

Tahimik naman talaga siya. Man of few words pero may kakaibang kakalmahan sa katauhan niya. Parang na-bless ng Santo Papa???

Ano? Magsasara na ba kami????????1111!!!!!!

Anjerica:

Teka. Ano ba nangyayari? Hindi ako sanay na puro ka exclamation. Ikaw pinaka-kalmadong tao diyan.

Analisa:

Kasi... tapos na niya ang mga gagawing prep. Naayos na niya 'yung set-up, prepared na ang supplies... basta! You get me????

Gagawin na lang namin maghintay ng customer........... and deliveries....

Nakakatakot.

Parang nag-uumapaw sa energy. Mamaya kami mapagbuntunan nito after all the high.

Oh shit!

Anjerica:

Ano????

Analisa:

Wala. Ang sama ng naisip ko??? Sa tagal ko dito, never ko nakitang ganyan 'yan!

Anjerica:

Ano ba naisip mo?

Analisa:

Hindi kaya... humithit 'to?

Suki ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon