#88

505 29 11
                                    

#88

Messenger

Araja Martin-Villalobos

9:09 PM

Araja:

May hindi ka ba sinasabi sa akin?

Anjerica:

Wala... naman...

Araja:

😒😒😒

Anjerica:

Ara, wala.

Araja:

Bakit bigla ka na lang lumungkot kanina? Hindi ka ba natuwa sa surprise sa'yo ni Mr. Yu o dahil wala siya doon?

Seen

Araja:

I know Mr. Yu likes you or more than that even. Kayo na ba?

Anjerica:

Ano bang pinagsasasabi mo?

Araja:

Hindi mo naman kailangan itago sa amin?

Anjerica:

Mukhang wala naman patutunguhan 'to eh.

Araja:

Bakit? Nagsimula na ba? Binigyan mo na ba ng chance?

Anjerica:

It would be unfair to him, Ara.

Araja:

Hindi ba unfair 'tong ginagawa mo? I love you, ate, pero kailangan mo magising. You're letting a good man slip through your fingers.

Seen

Anjerica:

Ayun nga, eh. He's too good for me. For us.

Araja:

Do you not like him?

Anjerica:

I do! I like him very much...

Araja:

So bakit?

Anjerica:

Natatakot ako, okay? Alam ko hindi ako ganito noon. I speak my mind, I fight back. Pero simula nang sinagot ko si Merrick that summer parang napakamali na maging matapang.

Araja:

Akala mo lang 'yun. Dahil kung hindi ka naging matapang, hanggang ngayon people-pleaser ka pa rin. Kung hindi ka naging matapang, wala kang Tristan ngayon.

Suki ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon