#38
July 26, 2020
Messenger
Isle Yu
1:00 AM
Isle:
Miss! Ano na?
Anjerica:
Hindi ko gagawin.
Isle:
What? Bakit?!
Anjerica:
None of your business.
Isle:
Oh, it's my business, alright. This is a potential patrons for the both of us.
Anjerica:
Not for me.
Isle:
Akala ko ba wala kang sinusukuan?!
Anjerica:
Wala nga. Pero pwede naman ako mabuhay without serving that piece of shit.
Isle:
Piece of shit? Sino? Ako?
Anjerica:
May sinabi ba ako? Ang sinasabi ko I have the right to refuse.
Isle:
Bakit?
Anjerica:
Wala trip ko lang.
Isle:
Ms. Anjerica Martin, tell me!
Anjerica:
Mr. Isle Vander Yu, ayoko.
Isle:
Paano tayo makakarating sa kompromiso kung hindi mo sasabihin? They're waiting for a response. Gawain mo ba talaga 'to? Ang magpahintay?
Anjerica:
Hindi sa lahat ng oras applicable yang mga paniniwala mo. Walang kompromisong magaganap kasi never ko tatanggapin.
Isle:
Give me a valid reason, miss. Ano sa t'wing may ayaw kang gawin you'd do this? Hindi puwedeng ganu'n.
Seen
Isle:
Are you even ready for this business?
Anjerica:
Wala akong lakas makipag-away, Mr. Yu. Kung ikakaluwag ng loob mo, sige, pag-iisipan ko. Give me time to think.
Seen
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...