#21
Messengermonay kulit
7:05 PM
Anjerica:
Ano say mo sa pagtatayo ng physical store?
Mona:
Like your own bakeshop?? Bakery?? Resto?????????????
Anjerica:
Siguro bakeshop? Doon ako nag-focus noon, e. Sa patisserie but I can cook.
Approved ba? Pero hindi pa naman ako sure. Chineck ko muna sa'yosince co-owner ka.
Mona:
WHAAAAAAT?! Hindi, ah. Imbestor lang ganorn. This is your brainchild. Pinush lang kita! Hindi ba't nabanggit mo ito noon?
Ikaw ang makakapagdesisyon dito, Anyer. Nandito ako as support. Pero hindi ba? Ok rin kung makuha natin 10k ni Koya Win! Pandagdag sa negosyo kahit papaano at siyempre para sa inyo ni Tantan. Tapos mawawlaa na ang hadlang para tuluyan mong kalimutan si no-ballz Merrick.
Parang hitting 3 stones with a chicken.
Anjerica:
Girl……….
Hindi ba't hitting two birds with one stone?
Mona:
Ayyyy
Ganorn na rin 'yun! Basta may ibon at may stones. Same mood
Anjerica:
Hindi ko sigurado kasi kung saan magsisimula ng pros and cons.
Mona:
Siyempre, sasabihon ko sa'yo na medyo delikado pa para lumabas-labas ka. Siguro mag-ipon ka muna ng customers and then kapag tapos na 'to, tutulungan kita i-set.
Anjerica:
Sige. Inform ko 'yung nag-PM
Mona:
Anong loc?
Anjerica:
QC
Mona:
Sakto! Gamdang pwesto nu'n. Sana matapos na 'tong pandemya para you csn start living your dreeeeam!
You reacted ❤ to the message
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...