#32
June 25, 2020
Messenger
Isle Yu
10:05 PM
Anjerica:
Pst!
Seen
Anjerica:
May tanong ako. Hindi ko talaga gets bakit may set-up tayo na ganito, Mr. Yu.
Isle:
Ikaw ang sumang-ayon sa deal, Ms. Martin. Nahihirapan ka na ba?
Anjerica:
Oh no, Mr. Yu. Hindi ako umaatras sa ganyan. Dami ko nang pinagdaanan tapos sa'yo lang ako susuko? Never.
Isle:
Kaya nga nag-offer na nga ako para sa mismong space. Ikaw lang umaayaw.
Anjerica:
In case you didn't know, single parent ako. Kailangan hawak ko oras ko para maalagaan ko pa ang anak ko.
Isle:
Sabi mo Mona's helping you?
Anjerica:
Yes. Pero hindi ko naman pwede abusuhin. Sana alam mo 'yun. Hay naku! Sabi ko sayo pare-pareho talaga kayong lahat!
Isle:
Ano na naman? Bakit napunta na naman sa pagkakasama ko sa generalization ng mga lalaking hangal?
Anjerica:
Wala. Anyway, gusto ko itanong bakit hindi na lang ikaw ang mag-extend? You can do the baking or hire a baker. Akala ko may kapalit ako, bakit nagtitiis ka sa akin?
Isle:
Weakness ko ang pastries and baking. I can cook in hundred thousand ways, but never ever bake.
And I hired you, remember?
Anjerica:
Shocks, Mr. Yu. You're damn honest Walang panggap?
Well, you blackmailed me. At mali 'yon!
Isle:
Bakit ako magsisinungaling? It's really not my strongest suit. I know you attended the best culinary school in the country. No need to subtly brag.
O, bakit ka sumang-ayon? Sana hinayaan mo na lang na mabanggit ko sa kapatid ko?
Anjerica:
Gusto ko lang sabihin na nabilib ako sa'yo. Marami kasing... hindi tanggap na may weakness sila.
Wala kang patunay na umattend ako ng culinary school, Mr. Yu. Kaya walang nagyayabang dito.
Isle:
Hindi pamilyar ISCAHM sa'yo?
Isle sent you a photo.
Hindi ba't isa ka sa mga nandiyan sa picture? With Chef Norbert Gandler?
Anjerica:
WTF?! SAAN MO NAKUHA 'YANG PICTURE NA 'YAN?!
Isle:
A businessman never tells his secrets. Now, may patunay na ako.
Anjerica:
Fine! Um-attend ako doon. Hindi ako naka-graduate. Oks na?
Isle:
And why is that?
Anjerica:
Wala ka na do'n, Mr. Sungit este Mr. Yu.
Kaya bakit nga ako? Marami namang iba na mas magaling.
Isle:
Well, I don't know either. I only have this hunch that you'll be a great addition to this place.
Anjerica:
Ah. Good luck with your hunch then, Mr. Yu.
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...