#60
Isle Yu
Anjerica Martin accepted your friend request
/ / / /Messenger
Anjerica Martin
1:30 PM
Vander:
Hindi ka na nag-reply. I guess I ticked off another bomb eh?
I just can't help it. You're something, Anjerica, and it's not this.
Anjerica:
How do you even know that?
Vander:
I've seen you.
Anjerica:
Manghuhula ka na ba? You see auras and shit?
Hindi mo makikilala ang tao dahil lang nakita mo. O dahil tumititig ka!
Vander:
So you're aware?
Anjerica:
Oo! Kung nakamamatay lang ang titig, nauna na akong inilibing ng anak kong mag-iisang taon pa lang!
Vander:
Oh. We do need to thank God for such miracles.
Speaking of your anak, how is he? At mag-iisang taon pa lang siya? He's a big boy.
Seen
Anjerica:
Kinukumusta mo anak ko?
Vander:
Oo??
Masama ba?
Anjerica:
Why?
Vander:
Because he's your son! Kausap kita, so kukumustahin ko siya.
And also...
I made him cry last time. Birthday ni Mona.
Anjerica:
WHAT?!
Vander:
Wala naman. Natakot siguro sa akin. Haha! Pero tumigil din naman kaagad. Nagulat siguro.
Anjerica:
Pati anak ko pinaiyak mo????!
Vander:
Pinaiyak kita??????
Seen
Vander:
Anjerica!
Kailan kita pinaiyak? Wtf? What the hell did I do?!
Anjerica!
2:56 PM
Anjerica:
ANO NA NAMAN 'TO, ISLE VANDER?!
BAKIT MAY TOY CAR NA DUMATING?!?!?!?!?!!?
Vander:
Oh, that. Sasabihin ko pa lang sa'yo but you distracted me yet again!
Sabihin mo muna kailan kita pinaiyak?!
Anjerica:
Wala akong sinabing ganu'n. Baka naduduling ka na sa gutom.
Seen
Vander:
Whoa. Bakit may nag-de-delete ng message???????
Seen
Vander:
Fine, fine. I know I won't win.
That toy car is obviously for Tristan. I felt bad for making him cry.
Kaya nagulat ako nang sabihin mong wala pa siyang isang taon. He looks one.
Anjerica:
Paano ko ibabalik 'to?
Vander:
No. You can't. Napa-disinfect ko na rin yan kung tatanungin mo.
Anjerica:
Kaya nga!! Paano ko ibabalik, e, tuwang-tuwa na siya.
Vander:
Sana ikaw din.
Anjerica:
Ano?
Vander:
Sana ikaw din natutuwa.
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...