#28
Messenger
Analisa Manalo
1:30 PM
Anjerica:
Hi, Ms. Analisa. Pasensya na late ako nakapag-reply. Hindi ka naman ba napagalitan ng boss mo?
4:00 PM
Analisa:
Hello, Madam. Hindi naman. Pasensya na rin, natadtad kita ng message. Pero nag-message na ba sa inyo si boss?
Anjerica:
Oo. Kanina lang. Kaya naaalala kita baka kako napagalitan ka.
Analisa:
Mabait naman yan si boss. Strikto lang talaga pagdating sa trabaho. Seryoso at straightforward din. Walang paligoy-ligoy. Kung ayaw niya sa'yo, ayaw niya.
Anjerica:
Ah, ganu'n ba? Sige. Masaya ako at okay ka. Kinabahan takaga ako. Sorry ah. May nangyari lang talaga na hindi inaasahan, pero kakausapin ko na siya. Salamat, Miss Analisa!
Analisa:
Welcome, Madam!
/ / / /
Ann 🔒
@anjer_icaNakakahiya talaga pinagsasasabi ko! What the fuck?
1:06 AM · 2 Jun 20
Ann 🔒
@anjer_icaIn this situation, I'm the fucking asshole.
1:10AM · 2 Jun 20
Ann 🔒
@anjer_icaKasalanan ko naman talaga. May kasalanan din siya! Pero napaka-unprofessional ng palitan namin na 'yun.
1:30 AM · 2 Jun 20
Ann 🔒
@anjer_icaNow I know. Alam ko na bakit disappointed mga magulang ko. Lolololol I can never be a professional! Palagi akong nadadala sa bugso ng damdamin
1:40 AM · 2 Jun 20
Ann 🔒
@anjer_icaHindi ako makatulog. Did I just shot my dream into its death, again? Naiiyak na lang ako.
2:03 AM · 2 Jun 20
Ann 🔒
@anjer_icaKailangan ko din naman humingi ng tawad. Kung anu-ano pinagsasasabi ko. Oh, Lord, help me!
3:00 AM · 2 Jun 20
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...