#76
Messenger
Isle Yu
4:35 AM
Anjerica:
Ano ibig sabihin ng note na 'yun? Bakit may listahan ka ng mga ka-batch ko ng high school at culinary school?
Isle:
Good morning rin, miss.
Papansinin mo na ba ako uli? Bakit madaling araw ka nagbabasa ng note?
Anjerica:
Sagutin mo 'yung tanong ko, Isle!
Isle:
No. You answer me!
Hindi ko alam kung anong nangyari. Did I just imagine that day? Huh?
Anjerica:
Ano ba nangyari nu'ng araw na 'yun? Nagpasalamat naman na ako and I really owe you. Hindi ko alam bakit ka nagagalit.
Isle:
Hindi ako nagagalit.
I'm worried. Noong nagkasakit ka, hindi kita mapuntahan. Hindi mo ako kinakausap.
Anjerica:
Hindi naman ako nagkasakit. You're overreacting.
Isle:
Sabi mo kay Anna masama pakiramdam mo. Did you go to a doctor? I'll bring you to the ER.
Anjerica:
Binabago mo na naman 'yung usapan. Sagutin mo 'yung tanong ko. Bakit may mga pangalan ka ng batchmates ko at bakit nandito ka pa rin?!
Hindi ka pa ba napapagod? Bakit hindi ka pa umayaw?
Isle:
I knew it. You're closing me off.
Anjerica:
Sabi mo kasama ng listahan na pinagawa mo kay Anna na narinig mo lahat ng sinabi nila sa akin.
Hindi ka ba nandidiri?
Isle:
Bakit ako mandidiri? I know for a fact that none of it were true.
Anjerica:
How would you know? Hindi pa naman tayo masyadong magkakilala. Hindi mo pa ako kilala.
Isle:
How would I? Dahil hindi sa'yo nanggaling, hindi ikaw ang nagsabi. Kung sino man pinag-uusapang nila nu'n. It's definitely not you.
Anjerica:
Bakit ba ang laki ng tiwala mo sa akin? Hindi ko maintindihan.
Isle:
Pinipigilan mo kasi intindihin. I trust you because I trust my judgment. I have confidence in you, Anjerica, because I am your friend.
Anjerica:
Ayaw kitang kaibigan.
Seen
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...