#77
Messenger
Isle Yu
6:09 PM
Isle:
What you said earlier this morning, that hurt my ego.
Shit, it even burns.
Anjerica:
See? You can give up now. Pero bago 'yun sagutin mo muna 'yung tanong ko.
Isle:
Do you wanna know why I like being busy? It gives me time to think. And today, I decided that I won't be giving up any sooner.
Seen
Isle:
The names listed there are of people who have asked about you. Hindi ko naman inasahan na sikat ka pala.
Aren't those your friends?
Anjerica:
HAHAHAHA! FRIENDS? FRIENDS?!?!?! Wala akong kaibigan sa mga 'yan. Sabi mo nga sikat ako. Kailangan lang niyan mapag-uusapan. Diyan naman sila magaling.
Isle:
The way I see it, you don't like to be judged. Pero bakit ang bilis mong manghusga ng ibang tao?
Anjerica:
Siguro 'yun ang dahilan kung bakit wala akong kaibigan. Can't you see? I have no one.
No family. No friends.
Araja? Wala siyang choice dahil kapatid niya ako. Mona? She's an angel. Mabait naman sa lahat ng tao 'yun.
Isle:
Ganyan ba talaga tingin mo?
You know what's worst about all of this? Ikaw ang nangunguna sa panghuhusga sa sarili mo. You're clouded with the haze of self-loathing.
Anjerica:
Totoo naman. Totoo namang ayaw ko sa sarili ko. I'm the middle child. Madalas akong nilalagpasan dahil mas magaling mga kapatid ko in all aspects. May utak naman ako, but it was not enough. Kaya lahat ng ginagawa ko kailangan perpekto para mapansin ako. I do everything the way I see fit and it yields results.
Pero nasaan ako ngayon? Takot. Walang kasiguraduhan. Nagtatago. Sinong hindi maiinis kung ganito?
Isle:
Kung naririnig at naiintindihan ka ni Tristan, ano sa tingin mo ang sasabihin niya sa'yo?
Seen
Isle:
Think about it. Do you hate yourself because of who you've become or the circumstances that led to it? Once you realize this, malalaman mo kung bakit may mga taong nandiyan para sa'yo.
Malalaman mo kung bakit mahal ka ng anak mong si Tristan.
Malalaman mo rin kung bakit kita gusto.
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...