#17
May 13, 2020
Messenger
Pangit
1:10 PM
Issa:
YAKU!!!!
Isle:
What?
Issa:
Bakit wala kang feedback?!
Isle:
Saan?
Issa:
OH MY GOD! Hindi mo ba nakita 'yung iniwan namin ni Manong Mik sa resto?!
Isle:
Ahh, kayo ba may dala nu'n?
Issa:
Oo! Hindi ba't sinabi mo sa akin na sabihan kita kapag naalala ko na kung kanino galing 'yung cookies???
Isle:
Naalala mo na ba?
Issa:
Hindi pa rin. Pero nagpadala uli kasi si Mona. E tatlong box 'yun. Iniwan ko sa resto 'yung dalawang box! Baka mas maganda kako kung ikaw na ang humusga kung 'yun 'yung tinutukoy mo.
Isle:
Shit! Pinakain ko na sa staff ko. Nawala kasi sa isip ko.
Issa:
Hay naku, yaku! Masyado kang stressed ngayon. Relax ka kaya saglit?
Isle:
I do relax, Issa. The times have changed and I have employees to take care of.
As much as possible, ayaw kong magbawas kaya naghahanap ako ng ibang business venture para doon sila ilagay.
Issa:
I know! Kaya kahit masungit ka at lagi mo akong inaaway at hindi mo ako pinapakilala sa mga tropa mo, medyo lodi kita.
Isle:
How many times do I have to tell you to stop pining for any of my friends. Alam mo bang nakita ni Herson ang message mo last week?
Issa:
Halaaaa! Ano doon?
Isle:
'Yung ipinapareto mo na naman si Mona.
Issa:
OMG!!!!!!!!
YAKU!!!! ANO SABI?!
Isle:
He was amused. Lakas pa ng tawa. Sabi ko sa'yo, hindi uso reto sa mga gago kong kaibigan.
Issa:
E di kayo na lapitin ng gooorls
Basta! Ireto mo na. Kung ayaw mo, ako na lang ireto mo! Nang matingnan kung maayos gamitin 'yang tropa mo.
Isle:
Anong gamitin?!
Issa:
Sa relasyon ba? Kung magaling!
Isle:
Issa! Anong...
Issa:
HAHAHAHAHAHAHAHAAHAHHAHAHAHHCK
Magaling magpakilig! Magaling sa relasyon! Magaling mag-alaga! Ano ba iniisip mo? Gaaaad, yaku!
Isle:
Hindi ko talaga alam kung paano kita naging kapatid. Kausapin mo na nga lang ako kapag matino ka na!
Issa:
😝😝😝
Seen
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...