#30
Messenger
Isle Yu
10:30 PM
Isle:
That's it, miss? Susuko ka na kaagad? Hindi ka man lang ba lalaban para sa opportunity na 'to?
Anjerica:
Ano na naman? Nag-sorry na ako. Marami akong iniisip, mister. Hindi ba't may ipapalit ka na nga? Bakit hindi 'yun ang guluhin mo?
Isle:
I don't want to let my staff down now. At nanghihingi ng update ang kapatid ko regarding this. I should've put up a recommendation sa facebook page mo, but since hindi ko pa natikman uli, I let Ana write one.
Anjerica:
Akala ko ba natikman mo na kasi may nagbigay sa'yo kaya ka nag-offer? Medyo malabo yata tayo doon, mister?
Isle:
I ate some cookies last time na bigay din ni Issa. Pareho namin hindi sigurado kung bigay rin ba ni Mona or hindi.
I'm guessing na nagbigay ng cookies si Mona as sample and kapalit nu'n is recommendation for your page.
Anjerica:
Mona did that?! Akala ko nagbibiro lang siya.
Isle:
Ba't naman siya magbibiro? I thought partners kayo?
Anjerica:
Look, masyado kang matanong! Hindi tayo friends.
Isle:
I know. We're not friends. Pero sobrang palaban mo kanina. Bakit biglang nag-iba ihip ng hangin? Wouldn't you want this to support your son?
Anjerica:
Hindi kita maintindihan. Sabi mo ayaw mo ng babagal-bagal? Ngayon naman nandito ka na naman? Just accept my apology and go back to doing your business.
Seen
11:25 PM
Isle:
Let's make a deal.
Anjerica:
Ano? Si banker ka ba? Naiinis na ako!
Isle:
Nah, businessman lang.
You apologized and I will only accept it if you strike a deal with me.
Anjerica:
Ano?!
Isle:
You know what I mean. I'm giving you a chance here.
Anjerica:
Ano naman makukuha mo dito?
Isle:
Your products. I looked at your page. Tell me, is the business doing good or just so-so?
Anjerica:
Hinack mo ba page namin? Bakit ka nagtatanong?
Isle:
I've got my answer, miss. So what do you think?
Anjerica:
Ampota. Blackmail?!
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...