#31
June 20, 2020
Messenger
Araja Martin-Villalobos
10:50 AM
Araja:
Anjer? Ate? Are you doing okay? How's Tristan?
Okay na ba tayo?
Sorry sa mga nasabi ko.
Anjerica:
We're good. Tristan's doing good, too. Laking tulong ni Mona.
At okay na tayo. Sorry rin. You know me, nadadala ako lagi ng bugso ng damdamin.
It's one of my many flaws.
Araja:
Wala namang perpekto.
Except for Mona. Parang anghel. Sigurado ka bang hindi bumagsak mula sa langit yan?
You reacted 😂 to the message
Anjerica:
Exception to the rule si Mona at ang pamilya natin...?
Well, pamilya niyo. Haha!
Araja:
Para kang ewan. You're part of that family. At galit kaming lahat kay Merrick. The audacity of that guy! Ang kapal ng mukha!!!!
Anjerica:
Yeah. I know. Hindi ko alam ano nakita ko sa hudas na yon. Nagsisisi akong nagpaloko ako sa kanya.
Not that I regret having Tristan pero sana... alam mo yun. Mas naging matalino sana ako. As usual, tanginang bugso ng damdamin.
Araja:
Wala naman mali sa pagmamahal. It's not your fault. Kasalanan ni Merrick dahil babaero siyang hayop siya.
I miss you. Sana naman makapunta na ako diyan after this quarantine. Or you can both go here. Stay! Ganorn. Also, Leon's asking kung gusto mo daw ba siya na umasikaso kay Merrick.
Anjerica:
No, thanks. Pasabi sa asawa mo nagsasayang lang siya ng oras.
Okay lang kami. The cookie business is doing okay. Hindi masyadong marami nag-order pero may sinusupply-an naman kami na place.
Araja:
Speaking of that business, nag-message na ba si Kuya Jarl sa'yo?
Anjerica:
I blocked him. Mahirap kausap, e.
And sorry pala uli. Napagbintangan kita na nagsumbong ja wala na kami ni Merrick.
Araja:
Ano bang sabi niya?
Anjerica:
Typical shit. Lalo naghimutok nang mabasang I'm selling something online. Pare-pareho kayo ng bukambibig.
Araja:
Ayaw mo kasi tanggapin kahit tulong ko.
Anjerica:
I can do this, Ara. Sayo, puwede pa ako humingi ng tulong pero may sarili ka ring pamilya. Sa kanila? I won't. Hangga't may paraan, kakayanin.
Araja:
Ikaw naman talaga ang laging may sariling desisyon sa ating tatlo. Hindi madaling matinag except 'pag nagmahal.
Anjerica:
You did the same naman. Pinagkaiba lang natin, you ended up with a great husband. Ako? Pinagtsismisan na nga, iniwan pa. Nice 'no?
Araja:
You'll find yours, Ate. Nandiyan lang 'yun sa tabi-tabi.
Anjerica:
Nope. I'm done. Mahirap makahanap ng lalaking matino na matatanggap si Tristan. Might as well stay put.
Araja:
If you say so. I miss and love you both.
You reacted ❤ to the message
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...