#49
September 24, 2020
Messenger
Isle Yu
8:06 AM
Isle:
May snob dito Ms. Anjerica
Kilala mo ba?
8:30 AM
Anjerica:
AWWW
Aware ka nang snob ka?
Isle:
You're avoiding me.
Anjerica:
No??? We're busy, Mr. Yu. Saka ang alam nila kakakilala lang natin ngayon in person. Hindi ba't si Ana ang kausap ko?
Isle:
Now we can change it.
Seen
Isle:
You're gonna accept it, right? I can give you a tour of the space. It's almost done.
Anjerica:
I... I don't know. Sabihan ko na lang si Ana kapag nakapagdesisyon na ako.
Isle:
Hanggang ngayon?
Anjerica:
Yes, Mr. Yu. Hanggang ngayon. Alam ko na kung ano sasabihin mo. Kabisado ko na. I get it, but still… I can't decide.
Seen
9:45 AM
Isle:
Let's go. You'll be riding with me.
That's final.
Anjerica:
La? Demanding! E, kila Mona kami!
Isle:
You can't. Wynter and Shey will ride with them. You, Tristan, and Issa with me.
Anjerica:
Sabihin ko kay Mona maiwan na lang kami. Mag-commute na lang kami pauwi.
Isle:
Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Hopefully 'wag 'yan ang mamana ng anak mo.
Anjerica:
WHAT?!
Isle:
C'mon. Where's Tristan's car seat?
Anjerica:
CAR SEAT???? USO BA 'YUN?
Isle:
He has no car seat? You know for safety?
Anjerica:
Wala! Hindi naman uso 'yon. Kahit naman noong naka-sasakyan ex ko, walang gano'n?
Isle:
Your ex didn't even bother to buy one?
Anjerica:
Well, obviously??? Anyway, hindi namin kailangan no'n. We can commute.
Isle:
Tingin mo papayag si Mona na mag-commute kayo?
Anjerica:
Siguro. Bahala na.
Umalis na kayo. Oras na. Para makabalik na si Mona iiwan ko si Tristan.
Hindi pa ako tapos sa cake.
Seen
Isle:
We'll see.
I'll help you later. Let's go!
Anjerica:
👎
10:45 PM
Anjerica:
When I think you can be a bit nicer to me, nagiging asshole ka na lang bigla.
Hindi ko talaga alam saan lulugar sa'yo.
Can we just stick to being strangers?
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...