#80
Messenger
Isle Yu
8:25 PM
Anjerica:
Masaya ako, Isle. I love Tristan with all my heart. Hindi ko ma-imagine kung ano ang buhay ko kung wala siya.
Isle:
I'm not questioning your love for Tristan. Kahit pa 'yun ang kinahinatnan at some point and I regret the way I talked to you back then.
What I'm asking is, are you satisfied with the way you're living?
Seen
Isle:
You can be honest with me.
Anjerica:
Paano, Isle? Mahigit isang taon pa lang kaming hiwalay ng ex ko pero pakiramdam ko mas matagal na akong naiwang mag-isa?
May mga oras na gusto ko maglabas ng sama ng loob. Pero kanino? Hindi puwedeng itapon ko na lang basta sa kanila lahat ng takot ko.
Isle:
Kaya ako nandito... nagtatanong. Hindi naman kita pinipilit na mag-share ngayon. Mabagal na proseso yan e. Gusto ko lang malaman mo na I exist now.
Bigyan mo ako ng chance.
Wala akong kahit anong alam sa panunuyo ng babae o sa panliligaw. But with you, I want to do it. Lahat ibibigay ko.
Anjerica:
Napakatagal na simula nang marinig ko 'yang pangakong ibibigay lahat. Hindi ko na alam kung paniniwalaan ko pa.
Hindi ko kailangan ang lahat. Mapapagod ka lang.
Isle:
I'll rephrase it, then. Lahat ng gusto mo, kahit hindi mo sabihin, ibibigay ko.
Seen
Isle:
Listen to this song:
https://open.spotify.com/track/0V9rj37SqxF06EOV809odq?si=69AYK71-TjWmkCW6lRK5Wg&context=spotify%3Aplaylist%3A37i9dQZF1DWT3P4sxYhgMi
I know why you cried those first months you've been working with us.
Hindi ko naman alam, but I'm sorry. Pinilit kitang tanggapin 'yung paggawa ng cookie bags for Merrick, your ex.
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...