#74

491 35 12
                                    

#74

December 4, 2020

Messenger

monay kulit

11:45 PM

Mona:

Una muna… I knew it! May hindi ka sinasabi sa akin. Ilang araw kang tahimik, girl. Parang napakalalim ng iniisip mo.

Anjerica:

That day was so overwhelming. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Until now naman kinakapa ko pa rin kung saan ilulugar 'yung emosyon.

Mona:

Nagpapasalamat ako at masaya ako para sa'yo.

Anjerica:

Bakit naman?

Mona:

Can't you see? Matapos ang ilang taon, naikuwento mo rin lahat. You've opened up, Anyer.

You may not know what influenced the feelings and the strength you have right now... embrace mo lang.

Anjerica:

I wanted to be honest with you. You deserved to know. Kung bakit... mailap ako sa pamilya ko. Alam ko napapansin mo 'yun.

Alam ko na mahalaga para sa'yo ang pamilya. I know how good you are. I know in my heart you wouldn't judge me whatever happens pero natakot pa rin ako.

I feel bad for doubting you. After everything.

Mona:

Napakatapang mo. Palagi mong tatandaan 'yun. I understand how hard it is to open up. Salamat sa tiwala.

For the record, you're not a blacksheep. Never will be. Nagkakamali naman tayong lahat. Walang perpekto. Ang mahalaga, nagising ka at bumangon ka kung saan ka nalugmok.

Merrick's a manipulative jerk. Conservative country tayo pero I'm not gonna tell you how you should live your life. Consensual naman 'yun, hindi ba? (Kasi kapag hindi ako unang bubugbog sa lalaking 'yun)

But to intentionally forgo prtoection is just an evil thing to do! Buti na lang angel ang naging kapalit.

Wait!!! Parang mali yata 'yung pagkakasabi ko….

Hindi naman sa sinasabi kong... ano pero... Huhu! Shet. Sorry.

Anjerica:

I get what you're trying to say. Alam ko naman na alam mo na hindi ko pinagsisisihan na buhayin si Tristan. I'd lay my life for that kid.

Oo nga pala, do you want to be Tristan's ninang? Sinusubukan kong asikasuhin kaya hindi ko alam kung kailan.

But yeah… ayun. Kung gusto mo lang naman. If not, we're good, too.

Seen

Mona:

WHAT

NINANG? TOTOO BA?!

HINDI BA PRANK? TO LIGHTEN UP THE MOOD?

I SWEAR ANYER! KAKALBUHIN KITA 'PAG JOKE TIME 'TO!

Anjerica:

Oo nga.

Mona:

Totoo?

Totoo?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Seen

Mona:

Siyempre gusto ko :( hindi ka ba napilitan niyan? Pinapaiyak mo na naman ako. Hindi ko ba alam bakit yung mga taong mahal ko pinapaiyak ako sa sobrang pagmamahal din.

😭😭😭

You reacted ❤ to the message

Suki ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon