#22
May 16, 2020
Messenger
Lraj Jarl Nitram
4:08 PM
Jarl:
Anjer, nasaan ka?
Anjerica:
Nasa unit? Bakit?
?????????Jarl:
Anong bakit?! Bakit hindi mo sinabing wala na kayo nu'ng tarantadong Merrick na 'yun?
Anjerica:
What is it to you? Hindi ba't ayaw niyo naman sa kanya? Dapat magdiwang kayo.
Jarl:
Oo, ayaw namin sa kanya. We hated his guts and his ego.
Anjerica:
Ah, yeah. Naririnig ko pa nga kung paano niyo ipamukha sa akin kung gaano kamali mga desisyon ko sa buhay
Jarl:
Hindi ba? Look where you are! Dapat nasa ibang bansa ka ngayon. Living your damned dream!
Anjerica:
Alam mo, Kuya Jarl, I can still hear everybody's disappointment until now. Hindi mo na kailangan pang ipamukha uli.
Paano mo ba nalaman? Nagsumbong na 'yung bunso niyo?
Jarl:
Alam 'to ni Araja?
Anjerica:
Oo? Hindi ba siya ang nagsumbong?
Jarl:
Hindi! Hindi mo pa ba nakikita ang posts ng lalaking 'yun?
Anjerica:
Anong post? Wala akong alam. Merrick blocked me. At bakit friend niyo si Merrick?!
Jarl:
Jarl sent a photo.
Ayan. Did you know he's engaged?
Seen
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...