#29
June 2, 2020
Messenger
Isle Yu
2:00 PM
Anjerica:
Okay, una sa lahat, I'm sorry. Inaamin ko naman na kasalanan ko na nakaligtaan ko na magsabi. Inaamin ko rin ngayon na medyo naging masama ang pakikitungo ko sa'yo. Wala na akong sasabihing excuse this time kung bakit naging snappy ako. You can somehow see the context.
I will not message you after this. Tanging pakiusap ko lang sa'yo, sana 'wag na umabot pa kay Mona ito. That girl has helped me greatly at nakakahiya kapag nalaman niya na nabastos ko ang kuya ng best friend niya. If you must know, I consider Mona as part of this business. She gave life to this idea. Kaya please.
Thank you for understanding and for seeing potential in my baked goods.
6:45 PM
Isle:
It's safe to assume na ang kaibigan mo ay si Mona at hindi ang kapatid ko?
Anjerica:
Yes. Bakit?
Isle:
Wala lang. I thought she has put you up to do this. Since siya ang nag-drop ng cookies sa resto.
Anjerica:
What does that even mean?!
Isle:
Baka pinagpapanggap ka lang niya. Lol! To make me introduce her to one of my friends.
Anjerica:
You have friends?! Really?
What?! Kagwapuhan ba mga kaibigan mo para habulin ni Issa para lang kumausap ng magpapanggap? Sus!
Isle:
I do have friends. Anong tingin mo sa akin?
Anjerica:
Tingin ko sa'yo? Kailangan ba honest tayo dito?
Isle:
What do you think?
Anjerica:
Okay, then. Anong tingin ko sa'yo? You're this uptight perfectionist man who only thinks about his gains. Sa tingin ko, kung nagkaroon man tayo ng kasunduan, aayaw din ako kaagad. I hate perfectionists. They tend to be controlling.
Isle:
Or maybe, hindi ka lang competent enough to cope up?
Anjerica:
I'm very competent, Mr. Yu. I can assure you. Well, you won't know that. As you've said, madali lang ako hanapan ng replacement.
Ganyan naman kayong mga lalaki, hindi ba? Mabilis makahanap ng kapalit. Pare-pareho lang kayo.
Isle:
Miss Anjerica, minsan ba naisip mo na baka pinalitan ka dahil mahilig mo lahatin ang mga lalaki?
Seen
7:20 PM
Anjerica:
Sabagay. May punto ka doon. Iba ka pala sa kanila. Pinakita mo kaagad tunay mong ugali unlike someone I know. Nanggugulat sa sulasok ng ugali.
Isle:
That is what judging is, miss. Hindi ibig sabihin na nakakilala ka ng lalaking walang kwenta, lalahatin mo na.
Anjerica:
Yep. Again, katulad mo.
Anyway, I'm sorry uli. Na-realize ko na naman kung anu-ano pinagsasasabi ko. My emotions get the better of me most of the time. Tanging hihingin kong pabor sa'yo ay ang hindi pagbanggit nito kay Mona o kay Issa. Salamat.
Seen
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...