#4

654 23 7
                                    

#4

April 6, 2020

Messenger

Mona Fuentes

7:45 AM

Anjerica:

Hindi ko kaya maging writer, Mona
Ikaw lang yata may keri nun

Mona:

Ito naman! Give up ka na kaagad?!
Nasan na yung palaban na Anyer?

Anjerica:

May pinipili rin naman akong laban
Ang pangit lang ng magiging output pag pinilit ko

But I'm still trying. Nagtingin ako ng maiiksi lang ang kailangan. Karamihan kasi wala akong alam sa topic. Sana kakayanin!

Mona:

Wala pa rin bang reply si Merrick? Kahit seen man lang?

Anjerica:

Wala. Meron pa naman akong ipon. Ewan ko kung magtatagal.

Pag wala na, sasali na ako sa Wawawin! Alam mo na? Abangan mo na lang kapag tinawagan ako

HAHAHAHAHA!

Mona:

Hala? Tunay ba yon?
Kasi di ba baka mamaya may napili na talaga tapos scam yung pamimili kunyari?

Duda ako diyan!

Anjerica:

Wala naman mawawala

LOL!

Bigyan ko pa ng pagkakataon tong si Merrick. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan nito. Mga kapatid lang niya nakakausap ko kung gusto nila makita si Tristan

Hay

Mona:

Sabi ko sayo ako gigiyera diyan
Gigil ako! Wag mo papakita sa akin yan!

Anjerica:

Hahahaha! Gaga ka talaga
Di nga namin nakikita e

Mona:

Ay sorry
Oo nga pala
E gago kasi

Makikita ko siya pag pinutulan ko siya ng balls!!!!! Mabaog sana 😡

Suki ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon