#18
May 13, 2020
Messenger
Manager-Isle's
7:50 PM
Isle:
Ana, naaalala mo 'yung iniwan ni Issa diyan nu'ng nakaraan?
Analisa:
Yung cookies, boss?
Isle:
Oo. Kumusta? Ano tingin niyo?
Analisa:
Tinatanong niyo opinyon namin? Bakit, boss? Ano ba ang tamang sagot? Baka malagot kami kay Ma'am Issa
Isle:
Hindi siya nag-bake no'n. Palagi ko naman kayong tinatanong regarding sa changes sa menu, hindi ba?
Bakit? Hindi ba masarap?
Analisa:
Kinabahan ako ng slight do'n boss! Alam mo naman, mahirap mawalan ng trabaho ngayon
Masarap naman siya. Hindi ko maintindihan kung anong meron sa cookies na 'yun pero kakaiba siya sa nabibili sa grocery?
Homemade nga nakalagay doon, e.
Isle:
Ano pangalan nu'ng gumawa?
Analisa:
Hangry4Food boss
Na-check ko FB page, medyo nag-trending nasa almost 2k na ang shares nu'ng post.
Isle:
Tingin mo papayag 'yung na mag-set up ng shop dito sa bakanteng space?
Analisa:
Siguro, sir. Kaso kakaksimula lang nito at cookies pa lang ang post?
Isle:
Check mo. PM ka ng inquiry gamit page ng Isle's. Update me after.
And do go straight to the owner. Not the business page. May nakita ka bang naka-indicate na name?
Analisa:
Copy, boss! Meron naman. Hindi ko lang sigurado kung siya 'yun, pero susubukan ko.
If ever, boss, alam mo? The best 'yung cookies. Pasensya na, naubos namin. Kala namin ayaw mo, e.
Isle:
Okay lang. I can taste it after the owner agrees. I trust your judgment so no worries. Thanks, Ana!
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...