#86
December 15, 2020
Messenger
Isle Yu
12:10 AM
Anjerica:
Isle. Hi.
Thank you for today. Ngayon ko lang nahawakan uli phone ko. Matagal bago makabalik sa tulog si kulit eh.
Isle:
It's okay. Akala ko nga tulog ka na. Alam ko napagod ka.
Anjerica:
Sakto lang naman. If not for you, baka mas doble pa 'yung pagod.
Pasensya na napagkamalan ka pang tatay ni Tristan. Nakakahiya.
🤦♀️🤦♀️🤦♀️
Sorry talaga. Napaako ka pa ng responsibilidad for a few seconds there. Buti na lang sanay na ako sa judgment. Nakita mo ba mukha niya nu'ng sinabi kong hindi ikaw ang tatay?!?!?!
Isle:
Breathe and calm down, miss. I can hear your hysterics.
Anjerica:
Because I am in hysterics. Jusko talaga! Did you see it, huh? Grabe head-to-toe ni madam sa akin. Inaano ko ba 'yun 😪
Isle:
Let them judge. Wala ka naman ginawang mali. I was ready to agree anyway. It'd be my honor to be Tristan's dad.
Seen
Anjerica:
HOOOOOOOY!
Ayoko na talaga sa'yo.
Bwisit ka! 'Wag ka nga nagsasabi ng ganyan.
Isle:
Sorry ka kasi nang sorry. How many times do I have to tell you to stop?
I'm a willing help.
Anjerica:
Kaya nga hindi ko in-open 'to habang magkasama tayo. Dito lang sa chat.
Nahihiya kasi ako tapos gaganyan ka?!
Isle:
I'm just saying.
Anjerica:
Wow. Sana 'yung napili kong ama para sa anak ko katulad mo, ano?
Isle:
I'm glad he's not.
Kasi kung katulad ko siya, hindi tayo nag-uusap ngayon. I wouldn't have the chance right now.
Anjerica:
Isle...
Isle:
I know how this looks like. Parang binobola kita pero hindi talaga. It's... definitely how I feel.
Kung pwede lang. Kung papayagan mo ako, aakuin ko kayong dalawa. It does sound crazy to others, but not to me.
Although you did make me crazy at some point, but it's all good.
Anjerica:
Isle naman. Walang preno?!
Walang paligoy-ligoy?
Isle:
Nah. Kapag sinubukan kong umatras to give you more space, even for a millimeter, hindi kita aabutan 'pag napag-isipan mong tumakbo.
I don't want that to happen.
Seen
Isle:
Seen na lang??
Sige, magpahinga ka na. Good night, Anjerica.
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...