#91
"Merry Christmas, my big boy," bati ko muli kay Tristan.
Kanina ko pa hinuhuli ang atensyon niya. Nakatuon lang kasi siya sa mga laruan niya lalo na ang bagong bigay na dinosaur stuffed toy ni Isle.
Sa t'wing hindi siya titingin sa akin, pinupupog ko siya ng halik na siyang susuklian niya ng matitinis na tawa. Mabilis din siyang babalik sa paglalaro at guguluhin ko lang siya uli. We've been like this for over an hour already.
Alas-diyes na ng umaga at wala pa rin akong lakas ng loob na lumabas ng unit na ito. Once we get out, hindi na puwedeng umatras. Kailangan namin na tumuloy pumunta sa bahay ng mga magulang ko, sa lolo't lola ni Tristan.
This is a last minute decision.
Hindi ko rin malaman kung anong nagtulak sa akin na subukan. Naisip ko lang na wala naman sigurong masama. Sila naman ang nang-imbita at pupunta naman ako doon para sa anak ko. And, well, I kind of want to see them upclose.
Kahit naman sinigurado na ng mga kapatid ko na maayos ang kalusugan nila, gusto ko pa rin silang makita kahit saglit.
Matapos kong bumuntonghininga, napasubsob na lang ako sa unan. Inihilig ko ang ulo ko paharap sa direksyon kung saan naglalaro si Tristan.
Pinakalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagtitig sa kanya. His smiles and contentment does it for me. Napaka-cute talaga nito. Sana baby na lang siya palagi. Sa susunod, hindi na niya ako papansinin. Mahihiya na kapag hinahalikan ko siya o niyayakap man lang.
I shake myself of that thought. Masyadong depressing. Malayo-layo pa naman... sana. Sana 'wag na lumipas nang mabilis ang oras.
"Alis na ba tayo, Tan-tan?"
At parang magic, napatingin siya sa akin without me exerting much effort. Napatawa ako nang bitawan niya ang laruan at tiningnan ang pinto.
"Alam mo, 'nak? Hindi ko alam kung kanino ka nagmana. Mukha kang alis." I jokingly clicked my tongue at him.
He tilted his head in curiosity. Nagtataka sa tunog na ginawa ko. Inulit-ulit ko ito that made him squeal in delight.
In response, he extended his chubby little fingers at me. Nang hindi ako maabot, he pushed his body off the ground and wobbly walked to me. He bent over me and reaches to hold my nose.
Napaupo siya nang mapagod sa pagkakatayo.
"Ma-Ma, labas? Labas!" Tinapik-tapik niya ang pisngi ko, letting me know I nedd to move and get going.
"Kiss muna, Mama," Inginuso ko ang bibig ko sa kanya para kusa niyang gawin ang sinasabi ko.
Hindi niya ako pinansin at tumayo uli. This time, lumakas na siya papalapit sa pinto.
"Tan-tan? Sad si Mama. Ayaw mo ako i-kiss?
"Yaw. Labas!"
Diyos ko! Talagang mukhang labas. Gusto ko lang naman lambingin ako. Naku talaga 'to. Minsan naman ayaw bumitaw sa akin pero ngayon talaga... minsan nananadya 'tong batang 'to eh.
Hay anak.
Tinulak ko ang sarili ko mula sa pagkakadapa. Nakakrus ang mga binti ako at humarap sa kanya.
"Hindi mo ba love Mama?"
Nakita kong kumunot ang mukha niya saglit. Tila bumunot pa nga ng malalim na hininga na parang matanda. Natatawa na ako kasi nakasandal lang siya sa pinto at naghihintay. Pagod na sa kaartehan ng nanay niya.
"O siya, dali. Love love mo na lang Mama."
Inilahad ko ang mga braso ko, pagpapakita na gusto ko na lang ng yakap.
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...