#23

529 21 12
                                    

#23

May 20, 2020

Messenger

HS throwdown

Milanie Villa added you to the group chat.

Rosa:

Bakit friends kayo sa FB, Mil?

Ben:

BAKIT IN-ADD NIYO?!

Milanie:

Gago, para malinawan tayo. Hi, @Anjerica! Sorry sa abala pero may mga tanong sila. Or kami.

Hindi naman kami masyadong chismoso. Ano lang, para malinawan.

Paalala: 40 katao ang narito sa group chat. Kami lang 'to, high school classmates mo minus... Merrick

Anjerica:

Pinag-uusapan niyo ako? Ah, ano nga palang bago. Salamat. Sikat pa rin pala ako sa inyo.

Milanie:

Sorry... Nawindang kasi kami.

Ramses:

Nakita mo na ba 'to?

Ramses sent a photo.

Anjerica:

Does it matter? May magbabago ba kung... ngayon ko lang makikita?

Babawiin niyo ba lahat ng panghuhusga niyo sa akin noon knowing how shitty Merrick is?

Rosa:

Hala gago ka Ramses!

Johara:

Ang chismoso niyo kasi! Sorry, Anjerica. I know you unfriended us on purpose.

Jeremy:

Pero ano nangyari? If you must know, sila ang naunang nag-chat chat dito.

Milanie:

Wow, Jeremy. Lulusot ka pa, e. Pare-pareho lang tayong chismosa't chismoso dito.

Anjerica:

Kaya lang ba kayo nag-so-sorry kasi nandito ako at gusto niyo sagutin ko mga tanong niyo o nag-so-sorry kayo dahil pinagsisisihan niyo?

Seen by 35 people

Anjerica:

Tumigil ako sa kaka-social media dahil maraming usi, e. Gusto ko lang naman matahimik kasama ang sana ay pamilya ko.

Matagal na kaming wala ni Merrick. Pero nagkikita kami para makasama niya ang anak niya and all that shit. Pero wala na kami. Nasa isang taon na rin.

Kakakita ko lang din sa picture na 'yan this week. Nakikita niyo 'yung singsing? 'Yan ang dapat daw na ibibigay niya sa akin kapag nag-propose siya. How do I know? Pinicturan niya yan nu'ng nadaanan daw niya.

Tangina! Hindi pala para sa akin?????????

I'm not sharing this dahil okay na ang lahat at gusto ko na malinawan kayo. Ito ay para matahimik ako. Alam kong wala tayong magawa mgayong lockdown, pero sana… sana 'wag niyo na idamay anak ko. Pagtsismisan niyo na ako, 'wag lang anak ko.

Spare him. Please.

Anjerica Martin left the group.



      / / / /

Kitakits later ng madaling araw! Nonood muna ako ng fanmeeting ng Running Man sa VLive! LABYUOL. Reaksyon naman kung....... bet niyo mga nangyayari or whatsoever. Voluntary, not mandatory ang reaksyon ok. Hahahahhaah! Chareeeng! Salamat sa pagbabasa 💖

Suki ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon