#72

527 31 48
                                    

#72


Hindi pa rin ako makapaniwala.

Hindi ako makapaniwala na ang naririnig kong masasayang hagikgik ay mula sa anak ko.

Kasalukuyan kaming nasa TV room nila, naghihintay ng oras. Samu't saring laruan ang nakakalat at nilalaro ng tatlong makukulit. May kanya-kanya silang hawak pero every now and then magkakasapukan na lang sila o mag-aagawan.

Nakabihis na rin ang kambal at pareho silang naka-tutu. Leorra, who is older by two minutes, is wearing a peach one while Yarra is wearing blue.

Tristan, on the other hand, is wearing a cute printed polo and pants. Pinasuot ko siya ng magandang damit. Aakalain niyang aalis at magpipilit na suotan ko siya ng pang-gala because he knows the difference of it from normal house clothes.

Sabi nga nila, prevention is better than cure. Bakit ko pa hahayaang mag-tantrums kung may solusyon naman. Though he really is cute when he is angry. Malakas na iiyak 'yan for a a few minutes. Matapos 'yun, magpapaalo siya pero hindi na ako papansinin kahit anong agaw ko ng atensyon niya.

Now imagine if we're alone.

It's exhausting, but I love being his mother. Tristan Darrl is my heart and my reason.

Ilang saglit na lang, kinakailangan na namin umalis. Paparating na ang mga bisita at ayaw kong umasa sa pagkakataon. I know our parents. Never naging late ang mga 'yun.

"Ate," tawag ni Ara habang paupo sa tabi ko. Iniyakap niya ang isang kamay niya sa likod ko at dumantay sa akin. "Salamat."

"Bakit?" I asked her, curious.

"For coming. To be honest, hindi ako naniwala noong nagsabi ka. How many times did you say yes and then end up not coming at all?"

Natigilan ako sa narinig. Binalot ng hiya at lungkot ang buong pagkatao ko. Hanggang ngayon siguro ay iniisip niya na may sama pa rin ako ng loob sa kanya.

But that's not true. Wala na 'yun sa akin. Hindi ko masabing napatawad ko na siya dahil wala naman siyang ginawang mali. Sumama ang loob, oo, but not enough to stay angry at her.

Ilang beses niya ba akong pinilit na umamin sa mga magulang namin na boyfriend ko na si Merrick? Kahit na ayaw niya dito, gusto niyang ipakilala ko para mas makaiwas sa gulo.

Hindi ako nakinig. Ipinagpaliban ko pa rin dahil ayaw ko na paghiwalayin kami. That's where everything went wrong.

"I'm sorry. Dapat buhat ko na ang sarili ko pero naduduwag ako. It's a selfish reason, but every time I think I can do it, bumabalik lahat ng sakit at takot "

Araja sighed in defeat. Napalakas yata ito kaya napalingon ang mga bata sa amin

Kids are perceptive. Naramdaman nila marahil ang lungkot na nararamdaman namin kaya nalukot ang mga mukha nila at nagsimulang mag-alala.

Nagsimula silang mag-unahan na tumakbo sa amin. Kanya-kanya silang yakap. Araja ended up splayed on the floor when the girls tackled her, losing balance.

Natahimik kami saglit. Nang magkatinginan, agad kaming tumawa. An understanding of how much our lives have changed now. Hearing our laughter, bumalik ang sigla sa mga mukha ng mga anak namin.

"Our lives are different now. Kailan kang matututong lumaban uli?"

Bago pa ako makasagot, isa sa mga kasambahay nila ang sumilip at sinabing hinahanap siya ng mother-in-law niya. She gave me a meaningful look before taking her leave.

Kailan nga ba ako uli magkakaroon ng lakas ng loob? Paano? Huling beses na ginawa ko 'yun, I ended up feeling my loneliest.

Oo, pinagsisisihan kong naniwala ako sa lahat ng pangakong narinig ko. I left the only home I know. Tinalikuran ko ang lahat to save our relationship; To nurture the child in my belly.

Suki ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon