#89
December 22, 2020
Messenger
Isle Yu
9:10 PM
Isle:
Hindi ka na galit?
Anjerica:
Hindi naman ako nagalit nga.
Nabigla na nainis lang.
Isle:
So… hindi ka na naiinis?
Anjerica:
Hindi na. Tinanong mo na 'yan kanina eh.
Isle:
Naniniguro lang. Hindi mo ako pinapansin kanina eh.
Anjerica:
Hala?? Pinapansin naman kita ah?
Isle:
You didn't even answer my question.
Anjerica:
Uyyyy… ano ba tanong mo?
Sorry. 😔
Isle:
Haha! It's okay.
Pero may plan na ba kayo for Christmas?
Anjerica:
Aahh. Wala pa. Dito lang kami siguro. Manonood ng cocomelon saka ibang christmas movies.
Isle:
Hindi kayo pupunta sa kapatid mo?
If you want, you can spend the day with us.
Anjerica:
Hindi eh. Sa parents namin sila mag-celebrate.
Isle… nakakahiya. Parents mo nandun??? at si Issa remember??
Isle:
No harm in asking again. I just had to. You know 🤷♂️
May problema ka ba?
Seen
Anjerica:
Ah, wala.
Mababaw lang naman. No need to fret.
Isle:
Okay sige.
Punta na lang ako diyan.
Anjerica:
OY TEKA
WAIT
MASYADO KA NAMAN DIYAN. ANONG ORAS NA
Isle:
Maybe you want to talk in person? Dadamayan kita? I'll bring food.
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...