#75
December 6, 2020
Messenger
Anjerica Martin
27 NOV AT 3:35 PM
Anjerica:
Thank you. Sobrang thank you ngayong araw, Isle. Palagi ka na lang naaabala. Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan, but I owe you tons.
27 NOV AT 4:58 PM
Isle:
It's nothing, miss. Napakasimple lang naman ng ginawa ko, but you're always welcome. You're not an inconvenience. I hope you know that.
Seen
30 NOV AT 3:06 PM
Isle:
Miss!
Miss!
You want some snacks? I'm back!
Anjerica:
Hindi na Isle. Salamat na lang. Mag-aabala ka pa. Saka malamang pagod ka.
Isle:
Aayaw ka sa merienda?
Anjerica:
Yep. 👍
Isle:
You really don't want some? Hindi naman ako pagod??
Seen
1 DEC AT 11:50 AM
Isle:
Miss! Ginagawa mo?
Madami ka bang gagawin? Tara pasyal natin si Tristan.
2 DEC AT 6:06 PM
Isle:
Bakit hindi ka nag-re-reply? Nakita ko post ni Mona. May problema ka ba?
4 DEC AT 10:10 AM
Isle:
Sabi ni Anna masama daw pakiramdam mo? Do you need anything?
4 DEC AT 12:09 PM
Isle:
Papadala na lang ako kila Anna ng pagkain saka fruits? I'm stuck with Dad. Hindi kita mapuntahan.
Get well soon, Anjerica.
5 DEC AT 11:00 PM
Isle:
Did I do something wrong? Bakit hindi mo ako kinakausap? Nung una nag-reply ka pa. Hanggang sa hindi mo man lang ma-seen message ko dito. Once ka lang din mag-reply kay Anna. Hindi mo rin tinatanggap pinabibigay ko.
Okay naman tayo a week ago. Bakit, Anjerica? I want to come over and ambush you with an invitation to hang out. Gusto ko ipilit. I wanted to give you more space, pero isang linggo na. Talk to me. I thought you said you owe me? You owe me your words, Anjerica.
Seen
12:06 AM
Isle:
Have you read the note I sent you? 'Yung kasama ng pagkain last time? You should read it. Baka sakaling kausapin mo na ako.
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...