#16

548 23 1
                                    

#16

May 9, 2020

Messenger

monay kulit

10:05 PM

Mona:

Kumusta na? Alam ko ayaw mo na-o-open 'tong usapan na 'to, pero are you okay? Alam ko naman minahal mo si Merrick talaga.

Kahit na masama na talaga kutob ko diyan sa ex mo nu'ng kong nakita.

Anjerica:

Paanong kutob? May ginawa ba sa'yo? Binastos ka?

Mona:

Ano lang... pakshet ka! Pakiramdam ko nagsusumbong ako sa nanay ko! Pero noong unang nag-inquire yan dito, ayaw ko sana tanggapin. May aura siyang... negative. Nabanggit ko na sa'yo na malakas pakiramdam ko sa masasamang espiritu, e

Anjerica:

What changed? Ano ginawa niya?

Mona:

Alam mo 'yung dinala ka niya dito? That was the third time na nagpunta siya. 'Yung nauna kasi doon, tinakot niya ako na kapag napahamak daw kayong mag-ina niya, kasalanan ko daw kasi hindi ko siya tinanggap.

Sabi ko patunayan niya. Ikaw 'yung proof. Hindi naman sa sinasabi kong pangit ka that time pero halata naman sa mukha ang stress. Ang payat mo nu'n kaya namumukod tangi yung namimilog mong tiyan

Anjerica:

Shit! Naalala ko na. Actually, that time, sobra 'yung pagsusuka ko. Hindi ako makakain kasi isusuka ko rin. Pinilit niya ako umalis no'n.

At hindi na siya morning sickness. Every second sickness siya kahit pa second trimester ko na 'yun

Mona:

E, gago naman pala talaga 'yung Merrick na 'yun! Pwede nanan ipagpaliban.

Kasalanan ko rin naman kasi talaga. Pasensya na, hehe. Mamaya kasi manloloko lang. Ang suspicious pa kasi pang-isang taon ang ibinigay niyang downpayment. Ang laking pera nu'n! Nawindang ako ng very slight.

Anjerica:

Hindi ko rin maintindihan ba't ginusto niyang mag-rent lang. Hindi ko rin alam saan niya nakuha ang pera na 'yun.

Mona:

Hindi mo alam?! Hindi kayo share sa finances? O kahit ipaalam lang na may pera siyang malaki?

Anjerica:

Alam ko lang, naririnig ko noon, inaayos nila 'yung papeles ng mga lupa nila. Wala kaming pakialamanan since hindi naman kami kasal.

Basta i-provide niya ang needs ni Tristan, okay na ako. I can earn on my own.

Mona:

O, 'di ba? Good choice talaga 'yung pag-push ko sa'yo sa pag-bake at ibenta online.

Hindi mo siya kailangan at alam kong alam mo 'yun. Kaya nga gumagawa ako ng paraan para magkalimutan na kayo. Tutal ikaw unang nam-block ngayon. Malamang hindi na niya ibibigay lalo ang 10k

Seen

Mona:

Mona sent a photo.

Anjerica:

What the hell? Akala ko ba duda ka diyan sa palabas na 'yan?

Mona:

Duda naman talaga ako. Pero hindi puwedeng magpaka-negatrona tayo!

Kita mo 'yan? Nag-comment na ako sa live video ni Kuya Win! Ilang araw na rin. HAHAHAHA! Bahala na si batman

Anjerica:

Give it one week. 'Pag di pa rin tayo natawagan, tigil na natin ang kalokohang 'to

Mona:

NEVER!!


/ / / /

At hindi nga tumigil si Mona HAHAHAHAAHAHAHAHAHA! HELLO HALLU EWAN KO NA KUNG ANO MANGYAYARI DITO 😂

Suki ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon