#107
March 1, 2021
Messenger
Analisa Manalo
Anjerica:
Anaaaaaa
Analisa:
Yes, madam?
Anjerica:
Nakausap na kayo ni Isle?
Analisa:
Yes, madam. Sorry. Inasar-asar pa kita… nakakahiya mga sinasabi ko sa'yo noon.
Anjerica:
Huy!!!
Oyyyyy Anaaaa
Anaaaa :( Kaya nga ako nag-pm sa'yo. Sorry. Baka tingin mo nagsumbong ako. Hindi naman ganu'n 'yun.
Ano lang… kung tutuusin mas nakakahiya ako. Haha lol nevermind. Gusto ko lang humingi ng pasensya saka… wala naman magbabago sa'tin. Sabi ko sa'yo tigil-tigilan mo kaka-madam sa akin eh.
Analisa:
Eh! Kung alam ko lang, sineryoso ko nang tinawag kang madam. Girlfriend ka ni boss eh. Sakto lang.
Hehehe
Pero ano kailan pa kayo???? Gaano na kayo katagal? Nanligaw ba si boss? Pano manligaw katulad niyang…… walang experience sa babae????????????????
CHSROT JOKE LANG WAG MO SASAGUTIN MAPAPATAU AKO JI BOSS HUHU SORRY MADAM HEHE
Anjerica:
Actually 'pag sinabi kong hindi siya marunong manligaw, masisira image niya. HAHAHAHAHA
MAPAPATAY TAYO PAREHO
Pero… ano sabi nila? Nakakahiya. Totoo ba lumabas kami ng office magkahawak ng kamay?
Analisa:
/kunyari nagulat ako/
PERO HUUUUUY!!! MADAM ALAM MO BA?!?!?!
Tameme kami lahat?!?!?!?!?!!?!?! Parang may dumaang anghel sa tindi ng katahimikan. Parang kayong dalawa lang nag-exist
Tapos si boss…. Ay si boss… nakangiti. IKAW PALA RASON NO'N HANAP PA KAMI NANG HANAP KUNG SAAN-SAAN. WALANG MUKHA MGA POSTS?!?!?
Anjerica:
Hindi ba kayo kinagalitan ni sungit?
Analisa:
Hindi. Buti na lang talaga ikaw girlfriend nu'n. Kalmado na siya ngayon.
Mabait naman si boss pero talaga 'pag nagsimula 'yan, tiklop kami lahat. Pero nu'ng kinausap niya kami, saks lang naman.
Anjerica:
Actually, worried ako lately. Lagi ko siya tinatanong kung okay lang siya.
Is he still overworking himself? Madami kayo customer?
Seen
Analisa is typing…
Analisa:
Tamang customer lang naman. Pero madami kasi inaasikaso si boss. Hehe.
Kailan ka mag-start dito, madam?
Anjerica:
Saan?
Analisa:
Ay... wait.
Talagang hindi mo na itutuloy 'yung pag-puwesto dito?
Anjerica:
I think… hindi na. Hindi ba ni-renovate 'yan? Baka kako may nakakuha na.
Seen
Analisa:
Ah… malay mo di magtagal 'yung magtatangka dito. If ever, dapat ituloy mo madam. Sayang naman tutal almost back to normal na.
Sobrang patok talaga ng mga gawa mo.
Anjerica:
Haha! Salamat, Ana. Baka mamaya sinasabi mo lang 'yan kasi laging may free taste???
Analisa:
Hindi ha? Hahaha! Promise, cross my heart.
Anjerica:
Oo na. May extra na naman hong cupcake bukas. Pang-snacks.
Analisa:
Nice! Bagay talaga kayo ni boss. Doble-benefits. hahahahaha!!!
Busog-lusog. Huhu kaya tumataba kami eh.
Seen
Anjerica:
Sira! I think pareho kami ng sasabihin ni Isle. Maliit ma bagay -yang mga 'yan kumpara sa tiyaga niyo. (Lalo na pagtitiyaga kay Isle? Hahaahha!)
Siya sige na.
Salamat sa pag-intindi.
Analisa:
Hindi mo kailangan magpasalamat at manghingi pasensya, madam. Hindi naman namin business 'yan. Mga chismosa't chismoso lang kami.
Basta happy kayo, oks na sa amin. Siyempre pati libreng pagkain.
Haha!
Seen
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...