#46
September 21, 2020
Messenger
monay kulit
2:03 PM
Anjerica:
Final na ba? Isle's talaga tayo? Sure na? Wala na magbabago????
Mona:
Bakit? Ayaw mo ba? 😓
Anjerica:
Hindi naman sa ganun...
Mona:
Hindi ka kumportable gumamit doon? Sabagay baka malalaki gamit nila. Try ko tanong kay Wynter kung pwede sa kanila.
Anjerica:
Hindi! Hindi, okay lang. Nagtatanong lang. Hehe
Mona:
Ah. Alam ko na! Excited ka makita 'yung place?
Ngayon lang din ako makakapunta sa pinakaloob no'n.
Takot ako kay Kuya Isle, e.
Anjerica:
Bakit? Inaway ka ba? Ha?
Mona:
Hindi!
Ano, nahihiya lang ako doon. Parang strikto kasi tapos baka pakiramdam niya tinuruan kong mali kapatid niya. 😣
Nakakatakot din kaya tumingin 'yun. Parang laging naka-side glance na nang-iirap. Wew!
Anjerica:
Sinabi mo pa! Mukhang akala niya lagi siyang tama.
Hmp.
Mona:
Huh?
Sabi mo hindi pa kayo nagkita? Hindi ba manager niya nakakausap mo?
Anjerica:
Oo nga!
Ano, na-sight ko lang sa photos. I have a huge feeling na mayabang ang isang 'yan
Pero opinyon ko lang 'yun. Don't mind me. G pa rin, oki?
Mona:
OKIEEEE
Salamat, Anyer.
U da best 😭 luv yaaaaaa
BINABASA MO ANG
Suki ng Pag-ibig
Romance|✔COMPLETED| (It All Started In Quarantine #2) [EPISTOLARY] Isa sa mga nawalan ng trabaho si Anjerica nang ipatupad ang malawakang quarantine sa lungsod. Tila tumigil ang oras ng lahat pero hindi kailanman ang oras niya. Ang gusto lang naman niya ay...