Chapter 1

1.4K 36 7
                                    

THE REALITY (RECAP)

Orion University

Kung saan pagmamay-ari ng tatlong babaeng magkakapatid.
Si Carina, Kyzha at Kaori.

Si Carina Lyra ang pinaka sikat sa University dahil sa pagiging Boy Hunter nito. Siya din ang bunso sa magkakapatid, 20 years old.

Si Kyzha Luna ang pinaka mabait at malambing. Siya ang pangalawa sa magkakapatid pero sya pinaka maliit, 22 years old.

Si Kaori Vega ang pinaka mailap, pinaka masungit, pinaka bayolente sa tatlo. Siya ang panganay sa magkakapatid sa edad na 23 years old.

Nirerespeto at kinakatakotan sila sa University hindi lang dahil sila ang may-ari kundi sa angking yaman ng pamilya nila sa buong mundo.

Walang may gusto makabangga sila dahil di mo na gugustuhin pang mabuhay kapag naging kaaway mo sila. Sa mala-Dyosa nilang muka ay malupet sila sa mga kaaway na gugustuhin mo na lang mamatay kaysa mabuhay.

Nang minsang may kumalaban sa kanila ay pinabagsak nila ang kompanya at ginamitan ng connection para di na makapag hanap buhay pang muli kahit na maliit na negosyo. Ganun sila ka brutal.

Wala naman akong kompanya. Ulila na ako pero kung makakalaban ko sila ay siguradong walang kompanya ang tatanggap sakin. Ang nais ko lang ay mamuhay ng payapa kaya sa buong pag-aaral ko sa Orion University ay pinili ko maging invisible. Iniiwasan kong maka daupang palad ang sino man sa kanilang tatlo. Sana ay di ko sila makadaupang palad.

May mga batas sila na ma-weiweirdohan ka talaga pero dahil pagmamay-ari nila ang school at isa ito sa kilalang school sa buong mundo ay susunod ka na lang.

Bawal sila sabayan sa paglalakad, bawal mo sila titigan, bawal kang humarang sa daan nila at Master lang ang itatawag mo sa kanila.

Maswerte ako sa tatlong taon ko sa University na ito ay di ko pa sila nakaka-daupang palad. Ngayon na ang huling taon ko at makaka graduate na ako.

Hangad ko lang makapagtapos ng pag-aaral at makapasok sa malalaking kompanya. Isa ako sa masuswerteng napiling maging Scholar dito. Hindi dahil sa matalino ako kundi dahil pinanlalaban ako sa Billiards.

Ako si Jillian Estella Portia, 22 years old. Nanghihina akong naglalakad ngayon sa campus. Hindi na kasi sapat ang pera na nakukuha ko sa Allowances. Nagmamahal na halos lahat ng bilihin, renta sa bahay, tubid at kuryente. Kailangan ko ng maghanap ng ibang mapagkakakitaan ko..

Kasabay ng pagbuntong hininga ko ang tiliin ng mga Studyante.. Malamang andyan ang The Orions.

Napabalikwas ako ng makita ko sa harap ko si Carina nauunang maglakad.. Nasa may tabi ko naman si Kyzha na kasabay kong naglalakad.
Sa gulat ko ay napaatras ako..

Sya naman pagbangga ko sa tao sa likod ko.
Agad akong napayuko at tumabi sa gilid.

"Sorry Master, Sorry" paghingi ko ng paumanhin dito habang nakayuko pa rin.

Kakasabi ko lang na ayuko sila maka daupang palad! Bakit naman kasi lumilipad ang utak ko. Sira na ang buhay ko ngayon.. Halos maiyak na akong isipin kung saan na ako pupulutin pagkatapos ng araw na ito.

Dahan dahan lumapit sakin ang nakabangga ko kanina..
Siya namang pag-atras ko at di ko napansin na may lalakong estudyante pala sa likod ko..

"Umalis ka diyan!" malakas na bulyaw ng babae sa harap ko. Di ako sigurado pero baka siya si Kaori. Ang pinaka masungit at bayolente.

Sa dami ng mababangga ko siya pa.. Pwede naman si Kyzha dahil kahit papaano ay yun daw ang mabait sa tatlo..

"Sorry Master, Sorry Master" yun na lang ulit nasabi ko habang nanginginig sa takot.. Paalis na ako ng muli siyang bumulyaw

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon