Gutom, Pagod at wala na talagang kapera pera na naglalakad si Jelay..
Napaupo siya sa isang bleacher. Nakatulala.Minumura sa isip niya ang dahilan ng paghihirap nya. Si Kaori.
Sa tapat ng pwesto nya, sa kabilang kalsada parang lumiwag ang karatolang..
Wanted: GRODesperado na si Jelay. Hindi niya na alam ang gagawin.
"Baka kailangan ko na talaga itong gawin para lang mabuhay." saad niya sa kanyang sarili.
Mabagal na tinatahak nya ang lugar na madilim ngunit may mga nagsasayaw na ilaw.
Bago makapasok ay may sumalubong na dalawang malaking lalaki sa kanya na sa tingin nya ay bouncer."Ilang taon ka na Miss?" tanong ng mga ito sa kanya..
"Twe-twenty two po" nauutal pa na sagot ni Jelay sa nga ito.
Tinignan ng nga ito ang mga bitbit ni Jelay na gamit.
"Ano gagawin mo sa loob?" muling tanong ng mga ito.
Nahihiya at kinakabahan si Jelay na tinuro ang nakapaskil dun sa labas..
Parehas naman napa-ngisi ang dalawang bantay kay Jelay."Ayos ah! Maganda ka Miss at mukang fresh na fresh.. Hehe" nangingising saad ng mga ito. Napalunok naman si Jelay.
Kinakabahan siya, ayaw nya pero desperada na talaga siya.
"Sigurado ka ba dito? May extra service ang mga night girls dito." ngiting manyak na tanong ng isa..
Umurong naman ang dila ni Jelay kaya di siya nakasagot..
"Halika, sasamahan na namin sa loob" ani ng isa sa mga bouncer at umakbay pa kay Jelay.
Nanindik naman ang balahibo nya dahil hinimas pa nito ang braso nya..
Ganon na lamang ang pagkagulat nya ng mapa-igik ang lalaki at bumulagta sa sahig.
Sabay silang napalingon ng isa pang bouncer sa may gawa nun. Lumaki ang mga singkit na mata ni Jelay ng baril ang bumungad sa kanya.
Nakatutok ang baril sa pagmumuka ng isa pang bouncer.
"Move away or i will pull the trigger." ma-awtoridad at malamig na saad nito.. Mababakas dito na hindi ito nagbibiro at kayang kaya nyang pumatay ng tao sa titig na binibigay nito.
Kaori. Sambit ni Jelay sa isip nya.
Hindi nakakilos ang bouncer. Napansin pa ni Jelay ang pagtulo ng likido galing sa pantalon nito. Mukang napaihi si Kuya sa takot.
"MOVE!!!" malakas na sigaw nito na nagpataranta sa Bouncer. Kumaripas ito ng takbo.
Hindi makapaniwala naman si Jelay sa nasaksihan nya.
Bago pa siya maka-react ay hinawakan ni Kaori ang kamay niya at marahas na hinila.
Pagkadaan sa walang malay na lalaki at tinadyakan pa ito ni Kaori bago tuloyang makalabas ng Bar.Mabilis nilang narating ang kotse ni Kaori. Tinulak siya nito papasok sa shotgun seat, hindi naman siya naka-kontra dahil nabibigla pa rin sya sa mga nangyayari.
Walang ingat din nito binalibag sa likod ng kotse ang mga gamit nya at mabilis sumakay sa driver seat.
"Seatbelt." seryosong utos ni Kaori pero di pa rin siya makakilos. Hindi nya maintindihan ang nangyayari.
Muling tinanggal ni Kaori amg seatbelt nya. Siya na din ang nagkabit ng seatbelt ni Jelay kaya naman sobrang lapit ng muka nila sa isa't isa.
Titig na titig lang si Jelay kay Kaori habang ang isa ay seryoso lang sa pagkakabit ng seatbelt sa kanya..
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI