Chapter 9

404 32 6
                                    

JELAY POV

Dalawang linggo na rin lumipas simula ng tumira ako kasama ang mga Orions. Okay naman buhay ko. Di ko naman nararamdaman na pinapahirapan nila ako.

Hindi ko nga lang masyadong pinapansin si Kaori. Hindi rin ako nakikipag bangayan sa kanya. Ewan ko, simula ng masaksihan ko yung sa kanila ni Lance gusto ko na lang layuan siya.

Para akong nasasakal kapag kasama ko siya o malapit siya, hindi ako makahinga. Siguro, ganon ka-grabe pagkamuhi ko sa kanya.

Araw araw tuwing umaga ay sabay sabay kaming kumakain na apat. Si Kyzha todo asikaso sakin, si Carina magtatanong ng mga kailangan ko o kumusta ako, si Kaori? Wala. Paki nya ba sakin diba?

Sabay din kaming pumapasok pero ngayon nauuna na akong bumaba sa kanila para paglabas ko sisibat na ako.. Alam ko nagtataka mga schoolmate namin pero wala naman nagtatanong sakin. Wala pa ring nakikipag kaibigan parang lalo nga silang naging mailap ngayon.

Pagka-lunch break naman ay pinapapunta ako ng mga Orion sa Penthouse para dun kumain tapos magkaklase na ulit pagkatapos ay mag tratraining ako ng Billiard.

Hindi na ako hinihintay ni Kaori, sa penthouse na lang siya naghihintay na pinagpapasalamat ko. Ayuko naman pa-importante ako sa kanya tsaka minsan naman si Kyzha ang naghihintay sakin, hindi pa nangyari na si Carina. Busy sa mga lalaki niya iyon e. Makipag-date ganun.

Anyway, excited na ako next week! Kasi sabi sakin ni Kurt may practice daw sila ng Basketball sa Orion University ibig sabihin magkakaroon ako ng pagkakataon na makita siya at makasama..

Kung may hihigit pa sa salitang  namimiss, yun ang nararamdaman kong pagkamiss kay Kurt.
Hindi naman kasi ako pinapayagan ni Kaori gumala o makalabas, para nya na nga akong aso pero kaibihan ko sa aso.. Hindi ako ang bantay, ako ang binabantayan!!

Siya nga nakikipag-lampungan pa sa boylet nya! Siya lang may karapatan magka-lovelife? Bweset na yun! Hindi na lang kasi ako pabayaan sa buhay ko. Gusto pa ata tumanda akong dalaga. Nakakainis talaga yang Kaori na yan!

Andito na kami sa Orion University katulad ng mga nagdaang linggo mauuna akong bumaba..

"Bye!" nakangiting paalam ko sa dalawang Orion. Well, except kay Kaori na hindi naman nakatingin sa akin at walang paki sakin.

Pag-baba ko may ilan ilan na napatingin na naman. Dumiretso na ako paalis ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko at pinag-intertwined iyon..

"Gusto ko maglakad lakad. Hatid na kita sa classroom mo.." nakangiting saad nito

Ngitian ko naman siya at tinangoan.

"Thank you Master Kyzha!" pasalamat ko sa kanya na mas ikinangiti nya.

Nauna na kami sa dalawang Orion dahil sa Penthouse deritso ng mga yun. May mga private tutor kasi sila.

Habang naglalakad ay may mga bulong bulongan na.

OMG, Baka kaya lagi siyang kasama ng Orion kasi magjowa sila ni Luna.

Si Kyzha Luna girlfriend niya?

Di sila bagay!

Kung ano ano pang narinig kong chismis.. Haaaay

"Hayaan mo na sila. Wala naman silang alam. Ngayon lang ba sila nakakita ng dalawang babaeng hindi magjowa na naghahawak ng kamay?" napapa irap na pahayag ni Kyzha at nginitian ako..

Dumiretso kami sa Locker ko. Kumuha ng ilang gamit ko at muling nagtungo sa classroom ng magkahawak kamay.

Nang mahatid nya ako sa classroom ay huminto kami sa may tapat ng pinto.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon