Chapter 22

408 31 6
                                    

February 13

After makitulog ni Kaori sa kwarto ko ng gabing nag-date kami ay halos di na siya nagpaparamdam sakin. Gusto ko nga sana siya katokin sa kabilang kwarto kasi ang boring kaya mag-isa. Ano naman gagawin nya dun? Tsaka kilala ko yun, di kumpleto araw nun na hindi ako na bwebweset pero two days na siyang di nangungulit.

Hindi rin siya natabi matulog sakin. Nagpapadala lang siya ng pagkain. Iniisip ko, nagtampo kaya siya ng hindi ko siya napagbigyan? O baka naman dahil iniisip nya na hindi ko mabibigay ang gusto nya kaya nagsawa na agad sya?

Arrgghh. Bweset na yun talaga! Kapag nagpakita sakin yun, hindi ko talaga papansinin!

February 13 pa naman ngayon.. Di naman ako nag-eexpect na alam niya pero sana may makasama man lang ako ngayong araw.

Napabalikwas ako ng may narinig akong nag doorbell sa pinto ng kwarto ko. Breakfast ko yan siguro. Ganitong oras naman nagpapa-deliver si Kaori ng pagkain ko.

Walang gana kong binuksan ang pinto..

"Good morning, Love!" masayang bungad sakin ni Kaori. Halos mapatalon ako sa saya ng makita ko siya pero ng marealize ko na masyado naman akong pahalata kumalma ako..

"Oh? Bakit ikaw may dala nyan?" kunwaring masungit na approach ko sa kanya. Tulak tulak nya kasi ang push cart na may mga laman na pagkain.

"Syempre, para personal kong mahatid sayo. Hehe" ngising saad niya. Inirapan ko lang sya. Tampo ako sa two days na di nya pagpapakita sa akin. Bored na bored ako dito sa kwarto! Puro module kaharap ko. Pakiramdam ko tumalino ako ng very light!

Lumapit siya sakin at yumakap ng mahigpit..

"Grabe.. Ganito pala amoy mo? Muntik ko ng makalimutan, Love." lambing nya at inamoy amoy ang leeg ko..

"Sus, namiss mo lang ako" biro ko sa kanya.. Tinignan ko ang mga dala niya.

Lumukso ang puso ko ng makakita ng pancit, yung makapal ang noodles! Favorite ko ito.

"A-Alam mo?" tanong ko sa kanya. Kasi pancit e. Diba yan yung handa kapag may ano? Secret.

"Ang alin? Favorite mo ba yan?" tanong nya sakin habang inaayos ang pancit, bread at coffee sa countertop malapit sa bintana. Maganda kasi view dun kahit puro hamog lang naman makikita mo..

"Hindi. Wala." imposibleng alam niya.. Hays

Naupo na kami sa stool at nagsimulang kumain.
Tahimik lang kami pero hindi yung tahimik dahil magka-away. Ang komportableng katahimikan lang.

"Why you still aren't wearing our wedding ring?" tanong nya habang nahigop ng kape.

"Ayuko lang." tipid na sagot ko at kumagat sa tinapay na sinawsaw ko sa kape.

"Kapag nawala mo yun, lagot ka sakin." banta nya sakin.. Di naman ako natatakot.

"Bakit anong gagawin mo?" matapang na tanong ko sa kanya. Hinarap ko pa siya..

"I don't know. Maybe it will void our wedding." ngumisi naman ako sa sinabi nya..

"Ako pa tinakot mo ha? Hahaha" natatawang sagot ko sa kanya at sumubo sa pancit.

Natahimik naman sya at nagseryoso.
Nakita ko na naman ang phone nya na may message ni Lance saying good morning.

Tinignan lang ni Kaori yun. Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang dalawang araw na hindi siya nagpakita sa akin.. Gusto ko itanong sa kanya kung anong ginawa nya nun pero baka isipin nya interesado ako sa kanya pero diba? Karapatan ko naman yun bilang asawa nya ako.

The Orions (Book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon