Lumipas pa ang ilang linggo. Ganon pa rin kami ni Kaori hindi ko na alam gagawin ko. Mabuti na lang andyan din si Kurt na dinadamayan ako. Tulad dati, kapag nalulungkot ako siya nakaka usap ko. Siya din nakakasama ko madalas mag-lunch at mag-dinner.
Kahit sa trabaho ko, si Kurt natatakbohan ko. Para kaming bumabalik sa dati pero bilang magkaibigan lang talaga.
I'm waiting for Kaori tonight. Gusto ko kasi siya kumustahin parang magdalawang linggo na kaming di nag-uusap. Last usap namin tinanong nya lang ako about sa trabaho ko. No personal question.
Mag-alas onse na ng makauwi siya.
Sinalubong ko sya ng yakap.."Bakit gising ka pa?" tanong nya
"I'm waiting for you." sagot ko sa kanya at hinubad ang coat nya..
"Hindi mo na dapat ako hinintay" pinagmasdan ko ang muka niya..
"Gusto ko e" sobrang namimiss ko na siya pero bakit ganon? Parang di niya naman ako namimiss? Naalala ko nung nasa Taiwan kami, nakaya nya nga pala akong tiisin din pero ako? Hindi ko talaga siya kayang tiisin.
"Sa susunod wag mo na ako hintayin" pahayag nya at kumalas sa yakap ko. Nakasunod lang ang mata ko sa kanya habang patungo siya sa closet.
Lumapit ako sa kanya at tumayo sa may likod nya.
"Mahal mo pa ba ako?" hindi ko na kasi maramdaman na na-eexcite siyang makita ako. Na hinahanap niya rin ako.
"Alam mo ang sagot dyan, Jelay" ayan na naman!! Ayan na naman sa sagot na yan! Gusto ko na marinig mula sa bibig nya kasi noon ayos lang kung hindi niya sabihin dahil pinaparamdam nya. E ngayon? Wala.
"Ah.." walang ganang sagot ko.
Ayukong pilitin siya sabihin yun kung hindi niya feel.
"Matulog ka na. Magshoshower lang ako saglit." utos nya sakin na sinunod ko na lang.
Ano pa nga ba? Syempre. Di ulit kami nakapag-usap kahit hinintay ko siya.
-----*
Tulala lang ako sa office ko ng pumasok si Kyzha..
"Bebe Estella.." mahinang tawag nito sakin. I gave her a weak smile.
"Yes Master?" sagot ko sa kanya.
"I'm just checking on you." nakangiting ani nito.
"Okay naman po. Yung sa design ng new product ay ready to release na next week ng team" sagot ko dito. Naupo siya sa upuan sa tapat ng desk ko
"No. Not work related. Muka ka kasing lutang lately. Napapansin din ng Team na matamlay ka, may sakit ka ba?" oo meron. Sa puso. Haaay
Pinilit kong ngumiti at pasiglahin ang boses ko
"Oo naman. Di naman ako matamlay ah haha" tanggi ko dito
"Hmm.. Kung may problema ka Estella, kaibigan mo ako. Wag kang mahihiyang magsabi sakin. Okay?" paalala nito na hinawakan pa ang kamay ko.
"Ayos lang ako. Wag mo kong alalahanin." nakangiting sagot ko dito.
"I know you are strong Estella kung anoman yan kaya mo yan! Osya, may mga trabaho pa ako. Basta tawagan mo ko kapag may problema at wag kang papalipas ng gutom." bilin nya na tingoan ko..
Paglabas nya ng pinto ay napabuntong hininga ako.
Ganon na ba ako kahalata? Eh bakit hindi nahahalata ni Kaori kung ganon?
Sabagay, di naman kami nagkakasama kasi busy sya sa ex-boyfriend nya.Dinner ng ayain ako ni Kurt kumain sa labas. Pina-unlakan ko naman ito. Dinala niya ako sa makati sa isang hotel.
Habang nakain ay napansin kong panay tingin nya sa relo nya.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI