Dumiretso si Jelay sa kanyang klase. Pinagtitinginan pa sya ng kanyang mga ka-eskwela dahil muka siyang naglayas, binalewala nya na lang iyon.
Pinilit nya na lang mag-focus sa professor nila. Ngunit di maalis sa isip niya ang ginawa nya kanina.
Pinupokpok nya ang ulo niya.
Ang bobo mo! Bakit mo hinalikan ang halimaw na yun?! Nang-gagalaiti na saad nya sa sarili.
Ano kaya naging reaksyon ni Kaori? Sigurado ako, lalong nagalit sa akin yun. Patuloy na pagkausap nya sa kanyang sarili.
Kadiri! Kadiri!! Kadiri ka Jelay!! Patuloy na pagalit nya sa sarili.
Hanggang matapos ang klase ay wala na siyang ibang inisip kundi pagalitan ang sarili.
Paano na lang kapag nalaman ni Kurt ito? Baka lalo niya na akong layoan? Nag-aalalang tanong nya sa sarili.
Lutang siyang naglalakad palabas ng campus. Bitbit ang mga gamit nya..
Naghanap siya ng mga malapit na apartment sa University nila pero puro puno na o di kaya naman ay sobrang mamahal.Nagugutom na rin siya kaya naisipan nyang kumain muna ng fishball at kikiam sa tabi tabi. Kailangan nya na rin magtipid at maghanap ng trabaho.
Hindi na siya matutulongan ni Kurt at ayaw nya rin naman maging pabigat dito.Habang patuloy na naghahanap ng masisilongan ay nakaramdam siya na parang may sasakyang nakasunod sa kanya.
Nagmadali siyang maglakad dahil sa takot. Sa kamalas malasan ay naabutan pa siya ng ulan.
Malakas ang biglang bagsak ng ulan..
Mabilis siyang naghahanap ng masisilongan ngunit puro sarado na ang establishment na natatanaw nya..Ramdam nya ang pagkabasa sa ulan..
Parang gusto nya ng sumuko.
Nanghihina na tuhod nya sa pagod at kawalan ng pag-asa.
Nilalamig na rin siya.
Napaupo siya gitna ng kawalan. Malamig at sumasabay sa paghihirap nya ang buhos ng ulan.."Kasalanan mo lahat ito Kaori!! Ang sama sama mo!!" Umiiyak na angos niya.
Ilang sandali pa ay naramdaman nyang hindi na siya nababasa ng ulan.
Hindi dahil huminto ang ulan kundi dahil may nag payong sa kanya.Napatingala siya at nakita nya ang malungkot na itsura ng nag payong sa kanya.
"S-Sorry.." mahinang ani nito.
Mabilis tumayo si Jelay at niyakap ito..
"Kurt!" lalong lumakas ang iyak niya sa pagyakap nya dito.
"I'm sorry. Mahina ako.. Hindi dapat nangyari sa iyo ito kung may lakas ng loob lang akong ilaban ka." malungkot na saad nito..
Umiling lang si Jelay dito.
"Wala kang kasalanan Kurt. Naiintindihan kita. Sadyang halimaw lang si Kaori!" galit na pahayag ni Jelay..
Hinagod lang ni Kurt ang likod nito at naramdaman ni Jelay ang init ng yakap nito..
"I'll check you in sa isang hotel para dun ka magpalipas ng gabi.. Pasensya ka na yun lang magagawa ko." labis naman itong naiintindihan ni Jelay at pinagpapasalamat niya dahil hindi talaga siya kayang tiisin ni Kurt.
Hinatid ni Kurt sa isang mamahaling hotel si Jelay. Mabuti na lamang ay waterproof ang kanyang mga bag kaya hindi nabasa ang mga loob nito..
"Salamat Kurt" buong pusong pasasalamat ni Jelay..
Tipid na ngumiti lang si Kurt.
"Kung wala ka, hindi ko alam ang gagawin ko. Salamat lagi mo kong nililigtas at dinadamayan." ginulo lang ni Kurt ang buhok nito.
BINABASA MO ANG
The Orions (Book 2)
FanfictionIn my dreams you're mine. In my life you're a dream. A FAN FICTION STORY Of JELRI